May 25, 2025
Tirso Cruz reveals he had cancer: “I was given a new lease on life.”
Latest Articles

Tirso Cruz reveals he had cancer: “I was given a new lease on life.”

Mar 31, 2015

vance @madrid

by Vance Madrid

tirso Kung mayroong isang taong labis ang katuwaan ngayon, walang iba yun kung hindi ang aktor na si Tirso Cruz III o mas kilala sa tawag na Pip. Noong nakaraang taon kasi’y matinding pagsubok sa buhay ang kanyang kinaharap nang matuklasan ng mga doktor na siya’y may stage 2 lung cancer.

Kung hindi pa tinanggalan ng lump ang aktor sa kanyang lungs na kanyang ipinaopera, hindi matutuklasan ang nasabing kanser at malamang na hindi ito agad maagapan.

Naging matagumpay naman ang nasabing operasyon. Ngayon nga’y labis ang katuwaan ng aktor dahil matapos ang mahabang panahon din na gamutan ay masasabi ng cancer-free na ang aktor at ligtas na sa anumang kapahamakan.

Ganun na lang ang pasasalamat ni Pip sa Diyos, sa kanyang mga naging doktor sa St. Luke’s Medical Center, sa mga taong nag-alaga sa kanya, sa suporta ng kanyang mga kaibigan, kakilala at sa lahat ng mga nagdasal para sa kanyang kaligtasan.

Ang kanyang pamilya ay pinatatag ng kanyang naging karamdaman, lalo na ang kanyang kabiyak na si Lyn, sama-sama ang buong pamilya Cruz sa walang humpay sa pagdarasal para sa kanyang mabuting kalusugan.

Aminado naman si Pip na noong kabataan pa niya ay malakas talaga siyang manigarilyo. Aniya pampatanggal daw ito ng stress sa mga artistang tulad niya. Hangga’t maaari ay pinapayuhan ni Pip ang mga kabataan na iwasan na ang bisyo ng paninigarilyo.

“Hindi na dapat hintayin ng mga chain smoker na maranasan pa nila ang nangyari sa akin. Isa itong eye opener para sa akin,” sabi pa ni Pip. “I want to lead a healthier lifestyle this time. Second life ko na ito eh, ayoko nang sayangin pa ang pangalawang pagkakataon na ito,” dagdag pa niya.

Si Pip ay sumikat noong dekada ‘70s bilang kapareha ng superstar na si Nora Aunor. Mula noon, hindi pa rin naman tumigil sa pag-arte at paglabas sa telebisyon at pelikula.

Leave a comment

Leave a Reply