
TJ Trinidad plays his first movie gay role
Aminado ang magaling na aktor na si TJ Trinidad na nahirapan siya sa pagganap ng gay role sa pelikulang “Working Beks” kung saan ginagampanan niya ang papel ng isang corporate executive.
“Nakalabas na ako ng gay sa theater . It’s in “Normal Heart”. It’s based on Larry Kramer’s Pulitzer winning play about the gay community struggling against AIDS during the ‘80s. I played the role of closeted banker named Bruce Niles”, kuwento niya.
Ayon pa kay TJ, iba ang challenge sa entablado kumpara sa pelikula.
“First gay role ko ito sa movies. Iba kasi ang dynamics ng theater at iba rin naman sa movies”, aniya. “Sa role ko sa “Working Beks”, maraming adjustments. Sa simula pa lang nakaka-6 to 8 takes ako bago ko nagawa nang tama. Hindi kasi ako sanay kahit na siya nire-rehearse pero pagdating kasi sa execution , ang hirap kunin ang mga nuances ng character. Pero noong tumagal na at naalalayan na ako ng aking director, nahuli ko na rin, at feeling ko napasama na ako sa grupo”, aniya.
Ayon pa kay TJ bilang straight guy na malaki ang respeto niya sa mga gays.
“I have been doing commercials since I was eight. Marami ring akong gay friends na nakilala sa business and I don’t have anything against them”, sey niya. “They are very hardworking, passionate and highly creative. Siguro, kaya lang sila nag-i-struggle sa buhay ay may gusto silang patunayan especially na sa society dahil minsan nakakaranas sila ng discrimination”, dugtong niya.
Nilinaw niya na never then siyang naging homophobic.
“It doesn’t bother me kung anong klaseng gay ka, kung closet o out na out. Ang importante, namumuhay ka nang disente, dignified at wala kang tinatapakang tao”, sey niya.
Sa pagganap ng gay roles, nadagdagan daw ang pang-unawa niya sa mga gay people.
Si TJ ay kasal sa kanyang non-showbiz partner na si Marga Valdes na isang fashion entrepreneur kung kanino meron siyang dalawang anak sina Alfonso Guillermo, 4 years old at Renata Christianne, 3 years old.
Kasama ni TJ sa “Working Beks” sina John “Sweet” Lapus, Edgar Allan Guzman, Prince Estefan at Joey Paras.
Mula sa produksyon ng Viva Films at sa direksyon ng award-winning director na si Chris Martinez, ito ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Nobyembre 23.
**********
Edgar Allan talks about his role in “Working Beks”
Pagkatapos lumabas ng gay role sa pelikulang “Pare , Mahal Mo Raw Ako” kung saan ginampanan niya ang closet gay na may gusto sa kanyang best friend na ginampanan ni Michael Pangilinan, balik na naman si Edgar Allan Guzman sa pagganap bilang paminta sa pelikulang “Working Beks” ni Chris Martinez.
Ano’ng kaibahan nito sa mga previous gay roles na nagampanan mo na?
“Closet gay siya pero artista siya. Hindi tulad nang nagawa ko na na normal na tao, sikat siya at maraming fans na may pinangangalagaang career na nasa peak ang kasikatan. Endorser din siya ng male energy drink na nag-decide na mag-out”.
Bakit nagdesisyon siyang mag-out?
“Kasi,hirap na hirap na siya kaya gusto na niyang magladlad”, aniya.
May mga kakilala ka ba sa showbiz na tulad ng karakter na ginagampanan mo?
“Wala akong kakilala na close sa akin pero sa showbiz naman, hindi na isyu iyan. May mga naririnig ako at nababalitaan pero hindi ako basta naniniwala kasi kailangan mo ng pruweba para masabi mo na totoo ang mga sinasabi nila.“
Ayon pa kay Edgar Allan, tulad nang sinabi na niya sa mga nakaraang panayam, nanatiling ang peg sa pagganap sa mga gay roles ang ang kanyang kapatid na lalake.
“Iyong brother ko pa rin ang peg kasi may mga times naman na “loud” siya so sa kanya ako nakakabuo ng character sketch”.
Hindi naman natatakot si Edgar Allan na matype-cast sa mga gay roles.
“I enjoy doing gay roles at saka hindi naman laging gay roles ang ipino-portray ko. Sa TV, sa teleserye ko, straight ako at love interest ni Sara portrayed by Julia Montes sa “Doble Kara” so may mga roles naman akong hindi ‘gay’.
Malayo na ang nilakbay ni Edgar Allan mula sa pagiging Mr. Pogi ng Eat Bulaga hanggang sa pagiging contract artist ng TV 5 kung saan nabigyan siya ng mga lead roles at ngayon nga ay Kapamilya na siya.
Nang pumasok ka sa ABS-CBN, naramdaman mo ba ang tindi ng competition?
“Oo naman. Lahat naman ng network kahit noong nasa TV5 ako, matindi ang competition”,aniya.
Nasa estado ka pa ba na nag-i- struggle sa competition sa ABS-CBN considering na hindi ka isang Star Magic talent?
“Naiintindihan ko naman iyong kumpetisyon, pero nagpapasalamat ako na kahit hindi ako contract artist ng ABS, naniniwala pa rin sila sa kakayahan ko at naika-cast sa mga teleserye at movies, kaya naman, pinagbubuti ko ang trabaho ko para hindi naman ako mapahiya sa kanila”, ayon kay Edgar Allan.
Bukod sa “Working Beks”, nasa cast din si Edgar Allan ng “Extra Service” ng Star Cinema kung saan kasama niya sina Coleen Garcia, Arci Munoz at Jessy Mendiola.
Naghahanda na rin siya sa launching ng kanyang album sa susunod na taon.
Thankful din si Edgar na kahit hindi siya nanalo sa “Your Face Sounds Familiar” ay nakatulong ito para matupad niya ang kanyang pangarap na maging recording artist.
Kabituin ni Edgar Allan sa “Working Beks” sina John “Sweet” Lapus, TJ Trinidad, Prince Stefan at Joey Paras na idinirehe ni Chris Martinez.
Mula sa Viva Films, ito ay mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa simula sa Nobyembre 23.