
Tommy’s love for acting: It’s a different kind of release
Biggest discovery ng Pinoy Big Brother (PBB) sina Tommy Esguerra at Miho Nishida . Umani agad ng followers ang dalawa at nabuo ang Tomiho, ang isa sa pinaka-exciting love teams.
Unang sabak ni Tommy sa acting sa pelikulang “Foolish Love” kung saan ginagampanan niya ang papel ng barista na na in love kay Miho.
Kahit hirap sa pananagalog dahil lumaki sa States, nagpupursige naman ang model turned actor na matuto ng Tagalog dahil gusto niyang serysohin ang kanyang profession.
“I love acting. It’s so much fun. It’s a different kind of release. It’s hard but challenging. Modelling to me is like a child’s play pero acting is a whole new world for me. It is really hard but I’m adjusting,” sey niya.
With his boy-next-door looks na tinitilian ng mga fans, hindi pinagsisisihan ni Tommy ang ginawa niyang panliligaw sa single mother na si Miho at pagpro-propose rito para maging girlfriend.
Hindi rin siya naniniwalang mababawasan ang pantasya sa kanya ng mga beki at kababaihan kahit meron na siyang Miho dahil marami naman daw tumatangkilik sa kanilang tambalan.
“I don’t know if I’m a heartthrob. Ako kasi, I’m very vocal ako about my feelings. If I’m in love with a girl, I’m willing to announce it, be it in a restaurant or any place. If there’s someone you care about so much and you want to show it, you should do what pleases you. I want the world to see how sincere I am with my feelings. Iyong nangyari sa amin ni Miho, it’s one of the best things that ever happened to me and I will not regret it,” aniya.
Bilang magnobyo, hindi naman ikinaila ni Tommy na nagkakatampuhan sila ni Miho paminsan-minsan.
“I think, it’s normal naman for sweethearts. We have occasional fights. Sometimes, it’s a case of miscommunication. It really happens probably because of the language barrier but we don’t allow it to affect us,” paliwanag niya.
Kung mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon, ayaw pa itong isipin ni Tommy.
“Only time will tell. Kasi kami ni Miho, we want to focus on building ourselves. Building our love team. Miho wants to focus on singing and dancing. Ako naman, I want to concentrate on acting and modelling and I think, if we are really meant for each other, it will come at the right time,” pahayag niya..
Willing din si Tommy na ipareha sa ibang babae pero mas priority niya ang tambalan nila ni Miho.
Bukod sa Tomiho, tampok din sa “Foolish Love” ang tambalan nina Angeline Quinto at Jake Cuenca.
Kasama rin sa cast sina Cai Cortez, Jerald Napoles, Beverly Salviejo at marami pang iba.
Mula sa direksyon ng multi-award winning director na si Joel Lamangan, palabas na ang “Foolish Love” sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa Enero 25.