May 24, 2025
Toni Gonzaga and Paul Soriano’s Wedding Day
Home Page Slider Latest Articles

Toni Gonzaga and Paul Soriano’s Wedding Day

Jun 15, 2015

By PSR News Bureau

b67322160

Now it can be told! Ikinasal na nga noong June 12 sina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga sa United Methodist chapel sa Taytay, Rizal. Toni was the picture of a beautiful bride in her Vera Wang gown while Paul looked every inch a dapper in his black suit. Habang papalapit si Toni sa altar, hindi napigilan ng groom na mapaiyak sa labis na kagalakan. Maging ang kanyang mensahe para kay Toni ay napaka-heartwarming kung kaya’t maging ang ilan sa kanilang mga guests ay napaluha rin.

CHZjLgcVAAAv2mw

Napakasaya ng atmosphere sa loob ng kapilya at mararamdaman mo ito dahil bakas ang kasiyahan sa mga mukha ng bawa’t guest na imbitado kahit pa maraming fans ang naghihintay sa labas na walang tigil ang hiyawan sa pagdating ng mga panauhin. Masasabing kontrolado naman ang crowd kaya’t wala namang naging anumang problema.

Kumpleto ang bawa’t pamilya ng magkabilang panig, pati na ang mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ng bride at groom. Ilan sa mga naging Principal Sponsors sina Dr. Vicky Belo, Congressman Manny Pacquiao, Mayor Joseph Estrada, Aga and Charlene Muhlach, Kris Aquino kasama ang anak na si Bimby [na nag-proxy para kay Boy Abunda], ang ABS-CBN President na si Ms. Charo Santos-Concio, sina Gary Valenciano at ang asawa nitong si Angeli Pangilinan, pati na ang ‘The Voice Philippines’ coach na si Lea Salonga kasama ang asawa nitong si Robert Chien. Namataan din ang sikat na stylist na si Liz Uy, Iza Calzado at ang kaibigan at co-host ni Toni sa ‘Pinoy Big Brother’ na si Bianca Gonzalez-Intal.

Una palang nagkakilala sila Toni at Paul sa isang concert ni Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano noong taong 2006. Sa unang pagkikita nila’y nagkaroon pala agad sila ng ‘attraction’ sa isa’t-isa. Kung tunay na mayroong ‘love-at-first-sight,’ malamang nangyari sa kanilang dalawa iyon. Matapos ng kanilang unang pagkikita, siyam na buwang niligawan ni Paul si Toni bago siya sinagot ng dalaga. Si Paul ang naging una at huling naging nobyo ni Toni. Sa loob ng 8 taon ay naging mag-nobyo sina Paul at Toni. Maraming pinagdaanang pagsubok ang naging relasyon nina Toni at Paul. Mahigpit kasi ang mga magulang ni Toni dahil siya ang panganay nilang anak at dahil dalawang babae lang silang magkapatid ni Alex. Si Paul naman ay panganay na anak din ng direktor na si Jeric Soriano na anak ng yumaong aktor na si Nestor De Villa.

Kahit itinago nina Toni at Paul ang detalye ng kanilang kasal sa publiko, nasaksihan naman ito ng mga tagsubaybay ng dalawa dahil sa isang special coverage na inihandog ng ABS-CBN nitong nakaraang Sabado, June 13.

Balak ng mga bagong kasal na mag-honeymoon sa ibang bansa. Matapos ang kanilang bonggang kasal, mayroong nakakita sa kanilang dalawa na umorder at kumain sa isang burger fast food joint sa may BGC Forum ng madaling-araw. Mismong si Toni ang nag-post ng kanilang larawan sa kanyang Instagram account kung saan makikita na naka-traje de boda pa si Toni at naka-suit pa rin ang kanyang naging esposo na si Paul.

Leave a comment

Leave a Reply