May 22, 2025
Toni Gonzaga’s absence at ‘the buzz’ triggers rumors that she’s engaged
Latest Articles

Toni Gonzaga’s absence at ‘the buzz’ triggers rumors that she’s engaged

Jan 26, 2015

mildre@bacud
by Mildred Bacud

362638_f520Marami ang nag-abang kay Toni Gonzaga sa “The Buzz” kahapon para linawin ang isyu ng pagkaka-engage na daw niya sa nobyong si Paul Soriano. Ito kasi ang kumalat na espekulasyon matapos kumalat ang birthday greeting sa kanya ni Sandy Andolong , gumaganap bilang ina niya sa sitcom na “Home Sweetie Home”, kung saan binanggit nito ang word na fiancé sa Instagram.

Absent nga si Toni sa nasabing programa at ang rason ay something very personal daw. Binasa ng host na si Kris Aquino ang message ng Multimedia star.

“I am very sorry. I know it’s my birthday celebration sa ‘Buzz’. I’m very sorry but I cannot attend ‘The Buzz’ this Sunday. I love my ‘Buzz’ family so you will be the first people to know why. I’m just going through something very personal and I’m really sorry for the short notice.”

Nagbigay naman ng reaksyon si Kris kaugnay ng mensaheng ito ni Toni.

“I don’t think she’s sad. Sometimes, something personal is something you like to keep private for a little bit. But she said tayo sa ‘Buzz’ ang unang makakaalam. Sa pagkakakilala natin kay Toni, she doesn’t like to burden us with problems. The fact na nakalagay doon na ‘I love my Buzz family at dito ko una ipapaalam’, ang interpretation ko lang ay hindi ito malungkot na balita.”

Kaya naman lalung nagduda ang mga netizens na true nga ang balitang engaged na nga nga ito sa director boyfriend.

Dagdag pa ni Kris sa “The Buzz”,

“Ka-text ko siya. Sabi ko, ‘Ikaw talaga naghanda ako ng gifts.’ Sabi niya, ‘Ate pasensya na. Promise next week nandiyan ako. Babawi ako ng bonggang-bongga.’ Sabi ko I’m really just hoping na happy news ito. Tapos hindi na siya nag-reply.”

Hangga’t hindi mismo si Toni ang nagkukumpirma ng balitang engaged na si sila ni Paul, mananatili itong espekulasyon.

Umiwas nga ba ang TV host na sagutin ang isyung ito kaya sinadya nitong lumiban sa sariling show?

Follow me…

social networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply