
Toni on her hosting style at Bb. Pilipinas, “I am humbly asking for an apology if I have offended anyone..”
Naging kontrobersiyal si Toni Gonzaga matapos itong mag-host ng BB. Pilipinas last Sunday. May mga bumatikos sa kanya at sinasabing hindi raw naging maganda ang pagho-host niya na para daw siyang nasa comedy bar dahil sa pagpapatawa nito. Sa pagharap ng TV host-actress para sa presscon ng pelikulang “ You’re My Boss,” sa press people kabilang ang Philippine Showbiz Republic kahapon, March 17, hindi pa man siya natatanong sa nasabing isyu ay nagsalita na siya. Una ay nagpasintabi muna siya sa kanyang co-star na si Coco Martin, direktor at writer para magsalita.
“This will be the first and last time that I will talk about this. We have all moved on from it, tapos na po ‘yung coronation night. We have already declared the winner. There is no point of looking back and talking about it over and over again,” pasimula niyang sinabi.
Nagpasalamat muna siya sa bumubuo ng BB. Pilipinas sa opurtunidad na binigay sa kanya para mag-host.
“Siguro ang sa akin lang po first of all I want to say thank you very much to the committee of Binibining Pilipinas for the opportunity to host such a wonderful event kasi first time kong ma-experience ‘yung ganong kasayang crowd, ka-wild na audience and it was definitely a memorable experience to me.”
Sa mga bumatikos naman sa kanya, sey niya, “To those who were not pleased and to those na siyempre nagkaroon ng national debate kung nagustuhan po ba nila o hindi nila nagustuhan ang napanood nila, siyempre po do’n po muna sa hindi natuwa and hindi naibigan ang napanood nila nong Sunday, I am humbly asking for an apology kung I have offended or I have hurt anyone of you but it was never my intention because prior to the show I was instructed po to make the show fun, light and ease the tension especially in the Q and A portion.”
“So it was never my intention, again, it was instructed for me to host that way, to make it lively and fun of course in the spirit of the celebration of Binibining Pilipinas coronation night and ‘yun po siguro ‘yung stand ko don.”
Kung may mga bumatikos, hindi naman nakalimutan ni Toni na pasalamatan ang mga kaibigang nagpakita ng suporta sa kanya.
“I don’t want to miss this opportunity to thank everyone, ‘yung mga friends ko po from the press, my friends in the industry who have been defending me and nagsasalita ng good and kind words sa akin, maraming, maraming salamat po. I really and truly appreciate that from the bottom of my heart.”
Dagdag pa niya, “ And also I would like to thank the Binibining Pilipinas committee for commending the job I did last Sunday, maganda po ‘yung mga sinasabi nila sa akin. Actually even the special events they texted me with very nice and encouraging words and I am very thankful for that.” Toni urged everyone to end the controversy in peace. “In the spirit of beauty pageants, let’s end the issue in world peace.”
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud