
Tony Labrusca shrugs off gay rumors
Dedma lang at ipinagkikibit-balikat ng Kapamilya hunk actor na si Tony Labrusca ang mga gay rumors na kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalake.
“I think that everybody wants to objectify me o just put a label on me. I don’t really care. Right now, I’m an just enjoying my life and my art,” sey niya.
Kahit itinuturing na isa sa mga hottest young actors ng kanyang henerasyon at pantasya ng mga beki at mga matrona, wala pa raw natatanggap na ‘indecent proposals’ ang nasabing actor.
“I don’t think, I’ll be open to it,” hirit niya.
Dagdag pa ng “ML” aktor, happy siya dahil pagkatapos ng pinagdaanan niya ay napapansin na rin siya sa mga proyekto niya.
“I’m just happy that my introduction was through indie kasi doon mo talaga mailalabas yung passion mo as an actor. So I’m just really happy about that,” pagbabahagi niya.
Dahil sa suwerteng dumarating sa kanya sa mga sunud-sunod na proyekto kung saan lutang ang kanyang galing, sobra raw siyang ganado na pagbutihin pa ang craft niya sa pag-arte.
I’ve never believed in destiny more than this year. I can’t explain it. It’s not like I have the option to even pick and choose my movies. It’s that these movies come to me and they happen to be very meaningful. May substance sila like “ML”. They speak to me at marami ang nakaka-relate. And they happen to be projects that I do want to be part of,” ani Tony.
Nilinaw naman niya na kahit mainit ang mga eksena nila ni Angel Aquino sa May-December love affair digital movie na “Glorious”, hindi pa rin daw siya totodo sa pagpapa-sexy.
“Honestly, I didn’t intend to do sexy films. I hope people know that. Pero I think the director kasi, it’s not about being sexy, it’s about love is love and that’s what rules,” paliwanag niya.
Tungkol naman sa kanyang role bilang estudyante na naging torture victim ng isang retired colonel na may dementia, aminado raw siyang nahirapan sa kanyang role.
Nagpapasalamat lang siya sa pag-aalalay na ginawa sa kanya ng kanyang “ML” director na si Benedict Mique kaya maluwalhati niyang naitawid ang mga eksena niya sa pelikula.
“I prepared for it by going through the script with my director and really evaluating every scene. He was always there for me, guiding me and that’s how I prepared.We had a symbiotic relationship kasi I can’t do the scenes without his guidance, obviously, I was his main actor so we really helped each other out. I was just very blessed that he chose a new actor like me,”aniya.
Aminado naman siyang bilang isang millennial, hindi siya masyadong pamilyar sa tema ng Martial Law dahil hindi niya ito naranasan.
“Hindi ko po kasi siya panahon. As a millennial, we really don’t know that much because we didn’t experience it first hand and I can’t make any personal judgment about it because that would really be inappropriate since it’s not really my time,” paliwanag niya.
Aminado naman siyang bilang isang millennial, hindi siya masyadong pamilyar sa tema ng Martial Law dahil hindi niya ito naranasan.
“Hindi ko po kasi siya panahon. As a millennial, we really don’t know that much because we didn’t experience it first hand and I can’t make any personal judgment about it because that would really be inappropriate since it’s not really my time,” paliwanag niya.
Gayunpman, isang eye-opener daw sa kanya ang immersion niya sa role bilang biktima ng karahasan ng nasabing rehimen ni Marcos noong dekada ‘70.
“My realization is now you just have keep an open mind .I’m not really a political person but I think after watching the movie, it’s just good to do be very aware of your surroundings.I think, that’s the biggest thing. More than people wanting to take or choose sides, or be really aggressive or be inactive, I think it says about knowing your surroundings, being aware and just educating yourself,” esplika niya.
Para sa kanya, mahalaga rin daw na malaman ng mga millennials na tulad niya ang tungkol sa Martial Law.
Bukod sa beteranong aktor na si Eddie Garcia, tampok din sa “ML” na kasalukuyang palabas na sa mga piling sinehan sina Lian Valentino, Henz Villaraiz, Jojit Lorenzo, Rafa Siguion-Reyna, Chanel Latorre, Chrome Cosio, Richard Manabat, Maritess Joaquin, Kino Rementilla, at marami pang iba.