
TRex talent wants to work with Andrea Brillantes
Kasama si Aga Arceo sa pelikulang “Class of 2018” mula sa T-Rex Entertainment, na pinagbibidahan nina Nash Aguas at Sharlene San Pedro.
Ito ang pangatlong pelikula na nagawa niya. Una siyang napanood sa pelikulang “Deadma Walking” na pinagbidahan nina Edgar Allan Guzman at Joross Gamboa, at sumunod ay sa “Bakwit Boys.”
Sa Class of 2018, ay gumaganap si Aga bilang si Erickson.
“Ako po ‘yung walang kaibigan sa movie, walang nagmamahal sa akin. Ako po ‘yung third party kina Nash at Sharlene,” sabi ni Aga tungkol sa kanyang role sa “Class of 2018.”
After doing the movie, naging kaibigan na ni Aga sina Nash at CJ Navato, na kasama rin sa pelikula.
“Si CJ, siya po ‘yung tinuturing ko nang parang kuya. Humihingi po ako sa kanya ng advice. Nagulat nga po ako kasi siya nag-o-open-up din sa akin. Nagtiwala siya agad sa akin, nagtiwala rin agad ako sa kanya.
“Si Nash, sobrang tropa ko rin po siya. Mabait din po siya, gaya ni CJ. Nagkakaintindihan po kami sa mga usapan namin.'”
Hindi pala talaga pangarap ni Aga ang maging isang artista.
“Since bata po ako, naglalaro na ako ng basketball. Hindi ko po talaga dream ang maging artista. Ang talagang gusto ko po, maging PBA player. Kaya lang po nung nalaman ko na may audition dati sa T-Rex, sinubukan ko pong mag-audition, at sinuwerte naman po na napili nila ako na maging talent nila.”
Nag-i-enjoy na si Aga bilang isang artista.
“Gusto ko na po ‘tong ginagawa ko, na umaarte.”
Sino ba ang showbiz crush niya?
“Si Andrea Brillantes po,” sagot ni Aga.
“Nung nanood po kasi ako ng TV, sa GMA 7, mga 14 years old lang po yata ako nun o 15, na-timing-an ko na siya yung nasa palabas. Nagulat na lang po ako, na after ko siyang mapanood, parang gusto ko na siyang mapanood araw-araw sa show nila. Kinikilig po ako sa kanya.”
Dahil crush si Andrea, kaya dream ni Aga na makatrabaho ang young actress.
“Sana po, magkaroon ng chance na magkatrabaho kami,” wish pa nya.
Showing na ngayon ang “Class of 2018.”
Mula ito sa direksyon ni Charliebebs Cohetia.