May 23, 2025
‘Trip Ubusan’ promises to bring “aliw” and “baliw”
Latest Articles Rodelistic

‘Trip Ubusan’ promises to bring “aliw” and “baliw”

Nov 22, 2017

Palabas na sa mga sinehan nationwide today ang pelikulang “Trip Ubusan” na pinagbibidahan nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.

Pero bago pa man ang commercial run nito ay nauna na ang premiere night ng pelikula noong Lunes ng gabi sa SM Megamall Cinema 7.

As usual, dinumog ng mga tao ang premiere night nito at ‘yung ibang nanood ay nagtiis na lang tumayo dahil wala nang maupuan. Saksi kami sa hiyawan at palakpakan ng mga tao kapag eksena na ng Jowapao. Todo suporta ang Dabarkads sa pelikulang pinagbibidahan ng tatlong komedyante.

received_10214299740757836

Nakakaaliw ang pelikula at may puso ito. Hindi lang ito basta ginawa para magpatawa. Pagmamahal sa kapwa at pamilya ang sentro ng istorya nito. Pero dahil may pagka-horror din ito, maraming mga eksena ang magugulat ka at mapapasigaw.

received_10214299063540906

Kung naghahanap kayo ng pelikula na entertaining and at the same time nakakagaan ng pakiramdam ay inirerekomenda namin ang pelikulang ito na tunay ngang nakakaaliw at nakakabaliw.

received_10214299057660759

Ang Trip Ubusan ay sa direksiyon ni Mark A. Reyes.

Bukod kina Jose, Wally at Paolo, tampok din sa pelikula sina Angelica dela Cruz, Ryzza Mae Dizon, Arthur Solinap, Lovely Abella, Taki Saito, Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Shaira Mae dela Cruz, Archie Adamos, Jayvhot Galang at Caprice Cayetano.

Leave a comment