
How true it is that Willie Revillame sells some of his properties to finance his ‘Wowowin’ show?
by PSR News Bureau
Talks have it na diumano’y nagbebenta pa ng kanyang ibang properties ang sikat na TV host na si Willie Revillame upang may pantustos siya ng kanyang ‘blocktimer’ show sa GMA 7 na ‘Wowowin.’
Ayon sa aming impormante, aminado daw si Willie na malaki talaga ang production cost ng kanyang show, hindi na nga lang daw iniisip pa ng TV host kung magkano na ang kanyang ipinuhunan sa nasabing show, ang mahalaga lang daw sa kanya’y muling magbigay hatid ng kasayahan sa mga manonood ng naturang show. “Tuwing nakikita ko yung mga ngiti ng mga tao sa aking pagbabalik, nawawala lahat ng pagod at sakripisyo ko, kaya sulit na din naman,” bulalas ni Willie sa Philippine Shwobiz Republic (PSR).
Ganadong-ganado si Willie sa tuwing darating ito sa kanilang ipinagawang studio along Kalayaan Avenue sa Quezon City. Maging ang production staff ng ‘Wowowin’ ay masaya rin sa kanilang pagbabalik-trabaho. Ang problema nga nila ay ang kakulangan sa oras kaya’t hindi umano nila maisingit ang commercial loads.
Nang minsang nasa mood itong si Willie, pinasayaw nito sa floor ang kanyang mga live audience na para bang nasa isang party lang. Itinigil lang ni Willie sandali ang taping dahil kinailangan ng pabalikin ang mga tao sa kanilang inuupuan. Kapag ganun kasaya ang mga taong sumusubaybay sa kanya, mas ganado rin magpamigay si Willie ng mga papremyo at pera na lalo pang nagpapaganda ng kanyang show.
Ayon pa sa kuwento ng aming impormante, pinag-iisipan pa umano ni Willie na kumuha ng mga co-hosts. Tatlong female celebrities ang balak niyang kunin bilang co-hosts pero pinakikiramdaman pa nito kung posibleng maging isang daily ang kanyang game show tulad ng dati na nitong nakasanayan.
Isa sa pinalad na tinulungan ni Willie ang aktres na si Thea Tolentino. Matatandaan na nang maging guest ng TV host si Thea sa kanyang show ay naawa ito nang malaman niyang sumasakay lang ito ng taxi at GMA service van sa tuwing pupunta ito sa mga commitments nito gaya ng shooting o taping. Kaya’t para hindi na mag-commute pa ang dalaga’y pinangakuan siya ni Willie na sasagutin niya ang kotseng bibilhin ni Thea.
Ayon kay Willie, natuwa daw siya sa pagiging honest ng Kapuso young actress kaya’t tinulungan niya ito. Aniya okay lang sa kanya na magbigay ng malaking halaga para makatulong na matupad ang pangarap ni Thea na magkakotse.