May 23, 2025
TV writer Sonny Calvento narrates his experience as a first-time director
Latest Articles

TV writer Sonny Calvento narrates his experience as a first-time director

Aug 4, 2017

Isa sa entries sa Cinemalaya 2017 ang pelikulang “Nabubulok,” mula sa direksyon ni Direk Sonny Calvento.

Ang mga bida rito ay sina Gina Alajar, Elaine Yu, JC Santos at Jameson Blake. Ito ang first directorial job ni Direk Sonny, na isang TV writer sa Star Creatives ng ABS-CBN 2.

Ang dalawa sa mga naisulat niya ay “Apoy Sa Dagat,” na pinagbidahan nina Piolo Pascual at Angelica Panganiban at “You’re My Home,” na pinagbidahan naman nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Ikinuwento sa amin ni Direk Sonny sa pocket presscon kung paano siyang napunta sa pagdidirek.

“Actually nag-workshop po ako for film noong 2015 kasi fan na po ako ng Cinemalaya since college pa po ako. Tsaka break lang siya sa pagsusulat ko sa TV, kasi siguro, parang gusto ko lang mag-try ng iba. Kaya tinry ko itong film and sinuwerte naman po na nakuha siya for Cinemalaya 2017,” sabi ni Direk Sonny

Bukod sa direktor ay si Direk Sonny din ang sumulat ng script ng “Nabubulok” na base sa true- to- life story. Isa itong crime and suspense film.

“Mahilig po kasi ako sa crime film.  Nung narinig ko po ‘yung kwento nito, sobra po akong naapektuhan na parang na-feel ko na ito yung tamang material na isulat para sa pelikula.

“Kwento po siya ng isang kasamahan ko sa ABS-CBN, sa kamag-anak niya po nangyari yung crime.”

Ano sa tingin niya ang magiging laban ng Nabubulok sa ibang entries sa Cinemalaya 2017 sa darating na awards night nito?

“Happy po ako dun sa napanood ko, happy po ako dun sa naging kabuuan ng pelikula namin. So ayun, more than enough na po ‘yun sa akin na naramdaman ko na importanteng ikwento ‘yung ganitong klase ng story sa audience, kasi  naramdaman ko naman po na may gustong sabihin yung pelikula.”

Karamihan ng mga TV writer eventually ay nagiging direktor na rin tulad nga ni Direk Sonny. Ipinaliwanag niya kung bakit pinapasok na rin nila ang pagdidirek.

“Kasi po ang principle po ng pagsusulat, pareho rin naman sa direkting, eh, na magkukwento ka, to tell a story.  Ang challenge lang talaga kapag nagdirek ka na, visuals na, wala na sa papel, visuals na talaga yung inaalala mo. So ‘yun yung naging challenge din sa akin kasi nga sanay ako for the past 6 years na nagsusulat  lang talaga ako.”

Challenge din ba yung budget?

“Sobrang challenge po siya,” pag-amin ni Direk Sonny

“Kulang na kulang po kami sa tao kasi nga very limited ang budget namin. So malaking bagay po kapag kunwari tulad nito, may mga nag-ooffer na tumulong sa publicity, sa promotions, kasi sa totoo lang, hindi na namin siya naiisip. Kasi ang nagiging goal na lang namin, tapusin na lang ang pelikula. So, ang laking bagay na may tumutulong sa amin ngayon.”

Bilang isang first time director, kamusta naman ang experience niya sa pakikipagtrabaho sa cast ng pelikula?

“Actually, lahat po ng aktors namin mababait. Tapos sobrang gi-nuide nila po kami, lalo na si Ms. Gina Alajar.  Talagang pumupunta lang siya sa set as an actress and not as a director. Talagang hinayaan niya lang ako, ginawa niya yung gusto ko without any complains.  So talagang happy po ako sa working relationship ko sa cast ko, kasi mababait po silang lahat.”

May pressure ba siyang naramdaman nung idirek niya si Gina dahil hindi lang ito artista, kundi gaya niya, ay isa rin itong direktor?

19488862_769899213172137_3401676529716163670_o

“Actually, before kami mag-shoot, sobrang pressured po ako.  Nung first shooting day po namin, sabi ko, huwag muna si Ms. Gina, para confident na ako at least, naka-isang shooting day muna ako.  Pero nung pumunta po siya (Gina) sa set, napaka-accomodating niya, as in wala po talaga akong masabi kasi talagang napakabait niya at walang reklamo sa set.”

Given a chance, sino pang mga artista ang gusto niyang idirek?

“Sa mga babae, si Erich Gonzales po, kasi nagagalingan ako sa kanya. Sa mga lalaki, si John Lloyd Cruz po.”

Mapapanood na simula bukas, Saturday, ang Nabubulok at 2pm sabay-sabay sa Trinoma, Glorietta at Marquee Mall sa Pampanga. At 6:15 pm naman ang gala premiere nito na gaganapin sa CCP Main Theater.

Leave a comment