
TV5 airs fresh episodes for ‘Paano Ang Pangako’ starting January 4
Ipinagmamalaki ng IdeaFirst Company at Cignal Entertainment ang ‘Paano Ang Pangako?’, ang pagpapatuloy ng istorya ng pinakatinututukang family holiday saga na ‘Paano Ang Pasko?’ na sinubaybayan ng mga manonood at humantong sa kahilingan na magkaroon ng second season.
Ang Book 2 na Paano Ang Pangako? ay dahil sa highly successful run at rave reviews na natanggap mula sa Book 1 at ieere ito mula Lunes hanggang Biyernes, 9PM, sa TV5 simula sa January 4.
Ang mga sikreto at iskandalo ng Aguinaldo family, na pinamumunuan ng kanilang matriach na si Faith, na ginagampanan ni Maricel Laxa, ay magiging mas komplikado sa mga pagbabanta na dala ng isang bagong pamilya, ang Dominante-Cruz family, na pinamumunuan ng kanilang matriach na si Elvira, na gagampanan ng beteranang aktres na si Bing Loyzaga.
Magiging mabangis ang misyon ni Elvira na tanggalin ang lahat sa mga Aguinaldo— kayamanan, tahanan at pati na rin ang nag-iisang tagapagmana.
Si Noel, na binigyan ng kulay ni Elijah Canlas, na binansagan ng CNN na 2020 Actor of the Year dahil sa paglikom niya ng Best Actor awards sa Gawad Urian 2020, 68th FAMAS Awards at iba pang award giving bodies, bilang tagapagmana ay ipinakita ang kanyang galing sa pagganap sa challenging role na maiipit sa gitna ng pagiging tapat sa kaniyang kinalakihang pamilya at sa pamilyang nais niyang mapabilang.
Kasama ni Noel sa gitna ng kaguluhan, ang anak ni Faith na sila Love (ginagampanan ni Julia Clarete), Hope (ginagampanan ni Beauty Gonzalez) at Joy (ginagampanan ni Devon Seron) ay susubukang protektahan ang mga pinakamahalaga sa kanila laban sa Dominante-Cruz clan, ginagampanan ng powerhouse ng mga kilalang personalidad na sina Karel Marquez, Miles Ocampo, Kyle Velino, at Ahron Villena.
Ilan sa mga mahuhusay na aktor tulad nina Ricky Davao at Allan Paule ay magbabalik kasama sina Ejay Falcon, John Sweet Lapus, Matt Evans, Danita Paner, Cedrick Juan, Ace Ismael, at Justine Buenaflor sa pangalawang season.
Ang ikalawang libro ay base sa winning story ng Palanca Hall of Famer na si Jun Robles Lana at idinerek ng ilan sa mga nirerespetong mga direktor sa bansa na sina Ricky Davao, Eric Quizon, at Perci Intalan; na sila ring nagdirek ng unang season.
Ang Paano Ang Pangako? catch-up airing naman ay magpe-premiere sa One Screen via Cignal TV Channel 09 simula sa January 5, 2021 (Martes) ng 6:30PM.
Mapapanood din ng viewers ang TV5 at One Screen sa Cignal Play app. Pwedeng i-download ng LIBRE ng Android at iOS users.