
TV5 reveals fresh lineup of teleseryes
TV5, kasama ang Cignal TV, ay mag do-dominate sa inyong mga primetime evenings dahil sa mga bago at exciting shows na ilulunsad simula Lunes, Nobyembre 23.
Cignal Entertainment, ang film at television production arm ng Cignal TV, ay nakipagtrabaho kasama ang Archangel Media upang ihandog ang Ate ng Ate Ko at Carpool, Cornerstone Entertainment naman para sa Stay-in Love at ang Viva Entertainment para ihatid ang Bella Bandida at Kagat ng DIlim.
Sa pamamagitan ng Cignal Entertainment, ang TV5 ay nagpapatuloy panghawakan ang kanilang pangako na magbigay ng inspirasyon sa Filipino viewers sa pamamagitan ng kanilang orihinal at kamangha-manghang content: offering programs magmula sa drama, romance, action at suspense.
Gayundin, ipapakilala nila ang bagong paraan na mag-enjoy ang mga TV5 viewers sa 9:30PM PRIMETIME TODO block.
Ngayon, pwedeng tangkilikin ang once-a-week na mga seryeng may iba’t ibang genres tuwing Lunes hanggang Biyernes.
Ang PRIMETIME TODO block ay maghahatid ng limang palabas na maghahandog ng iba’t ibang kwento upang punan ang kanilang gabi: Ate Ng Ate Ko (Monday), Stay In Love (Tuesday), Bella Bandida (Wednesday), Carpool (Thursday), and Kagat ng Dilim (Friday).
Talaga namang walang duda na kalidad na entertainment ang pangunahing misyon ng TV5 habang patuloy silang nagbibigay ng mga oportunidad sa mga taong nasa industriya.
Kasama rin dito ang pagbibigay ng makabuluhang dahilan na magkaisa ang mga manonood through a wide array of exciting programs.
Ang mga sikat na artista tulad nila Kris Bernal at Isabelle de Leon ay magbabalik telebisyon sa pagbibidahan nilang bagong weekly primetime series na Ate ng Ate Ko.
Kasama rin nila sina Jake Cuenca, Tonton Gutierrez, Joem Bascon, Kim Last, at Phil Noble. Maglalahad ito ng isang dramatic at misteryosong kwento ng dalawang magkapatid kung saan ang kanilang pagkakaiba ay naging balakid sa kanilang relasyon.
Ipapakita rin nila kung paano sila magswiswitch places matapos ang isang misteryosong krimen. The show will also tackle a psychological condition called ‘dissociative fugue’ — isang rare form of amnesia kung saan nakakalimutan ang tunay na pagkakakilanlan at iba pang mga importante at personal na impormasyon.
Ang pilot episode ay nakatakdang mag-premiere ngayong Nobyembre 23 at ipapalabas tuwing Lunes ng 9:30 PM sa TV5.
Susunod sa listahan ng mga bagong primetime teleserye ang isang romantic comedy na magbibigay excitement sa mga manonood.
Ang Stay-in Love ay tungkol sa buhay ng young at charming lady na pagbibidahan ni Maris Racal, kung saan pangarap niya ang maging isang kasambahay.
Habang inilalahad ang kwento, makikilala ng manonood ang iba pang mga karakter na nagkakagulo sa paghahanap ng kasagutan sa kanilang mga problema.
Makakasama ni Maris Racal sa light-hearted rom-com na ito sina Ruffa Gutierrez, Bobby Andrews, Pooh, Marc David, at breakout artist na si Kokoy de Santos.
Ang Stay-in Love ay ipapalabas simula ngayong November 24 sa TV5 at eere tuwing Martes ng 9:30 PM.
Simula sa mga producers ng action-packed women starrers “Buy Bust” at “Maria,” ipinapakilala ang Bella Bandida, isang action-drama series hango sa classic comic book ng National Artist na si Francisco V. Coching.
Ang serye ay pagbibidahan ni Ryza Cenon bilang si Bella Bandida, isang idealistic na doktor na mabibiyayaan ng kakaibang kapangyarihan para protektahin ang kanyang bayan at makamit ang hustisya.
Ang show ay magpapakita ng kakaibang klase ng female power. Magsisimula ito nitong November 25, eere tuwing Miyerkules, 9:30 PM sa TV5.
Ang Carpool ay bagong horror serye tungkol sa buhay ng apat na kabataan na gagampanan ni Sarah Carlos, Alex Diaz, Kate Lapuz, at Kenneth Medrano.
Ang serye ay magsisimula sa apat na kabataan na nag sama sama sa iisang carpool ride kung saan humantong sa isang trahedya at patuloy silang susundan ng mga nakakakilabot na kaganapan.
Ang misteryo ng Carpool ay unti unting nag uugnay sa dating kaklase na gagampanan ni Elora Espano, na pinaghihinalaang siya ang suspek sa likod ng mga nakakatakot na pangyayaring ito sa apat na kabataan.
Ang nakakagulat pa dito ay patay na ang suspek na gumagambala sa kanila.
Mapapanood ang Carpool simula Nobyembre 26 at eere tuwing Huwebes ng 9:30 PM sa TV5.
Ang Kagat ng DIlim ay ang 2020 evolution ng early 2000’s na horror anthology series.
Ngayon, apat sa pinakatalentadong at kilalang mga direktor ng ganitong genre ay gagawa ng 13 na nakakakilabot ng mga episodes that haunted the minds of Filipinos.
Ang mga kwento na ginawa nina directors Lawrence Fajardo, Richard Somes, Paul Basinillo and Rae Red will give a new generation of Pinoy horror fans ng mas maraming dahilan para matakot sa dilim.
Pinagbibidahan ng mga naglalakihang Viva talents such as Matteo Guidicelli, Cristine Reyes, Maui Taylor & Ella Cruz, ang series ay magsisimula nitong this November 27 sa TV5 at eere tuwing Biyernes at 9:30PM
Mapapanood ang Ate ng Ate Ko, Stay-in Love at Carpool sa kanilang next-day catch up airing simula next week, tuwing 5:30 PM via One Screen ng Cignal TV Channel 09 at SatLite Channel 35.
Samantalang, ang Bella Bandida ay iapapalabas rin tuwing Biyernes simula November 27, at Kagat ng Dilimtuwing Sabado simula November 28, parehas ng 7:00 PM via SARI SARI Channel ng Cignal TV Channel 03 at SatLite Channel 30.
Bukod pa dyan, pwedeng i-access ang One Screen at SARI SARI Channel sa Cignal Play app. Pwede itong i-download ng libre ng mga Android at iOS users.
Talaga naman na ang Cignal Entertainment at TV5 ay nagpapatotoo sa kanilang misyon na baguhin ang television experience.
Ang mga naglalakihang palabas na ito ay patuloy na nagpapakita sa mga Pilipino ng ingenuity at passion sa pagbibigay ng outstanding productions sa audiences.
Ang pagkamalikhain at kolaborasyon ay ipagpapatuloy sa puso ng Philippine entertainment; at ang Bigger Better BER Months campaign ng TV5 ay isang testamento nito.