May 25, 2025
Two Afternoon Drama Queens consider ‘KG’ a career-changing serye
Latest Articles

Two Afternoon Drama Queens consider ‘KG’ a career-changing serye

Jan 30, 2020

Nasa last weeks na ang toprating Kapamilya teleseryeng “Kadenang Ginto” ng Dreamscape Entertainment.

Bagamat sobrang nalulungkot ang buong cast na mamamaalam na sila kahit patuloy ang pag-arangkada ng ratings, masaya naman sila dahil sa mga pagkakaibigang nabuo habang ginagawa ang nasabing teleserye.

Katunayan, maituturing nina Dimples Romana at Beauty Gonzales na career-changing para sa kanila ang kanilang roles bilang Daniela at Romina Mondragon sa KG.

“I am super blessed kasi noon, pangarap ko lang na magkaroon ng teleserye or movie pero mas higit pa ang ibinigay ni Lord. Lahat kami na-bless. Dahil sa success ng show, nagkaroon kami ng endorsements, commercials. Nakasama kami sa mga show abroad. Ang daming blessings na hinding-hindi ko makakalimutan,” ani Dimples.

Sa naturang teleserye rin naging viral ang kanyang Dani girl character na pinag-usapan sa social media ang iba’t –ibang memes kung saan ultimong ang kanyang mister na si  Boyet ang naging number one fan niya.

“Ang kinu-consider kong golden moment was when my husband started sharing articles about my character. Hindi showbiz ang asawa ko. Napakahirap kunin ng paghanga niya. He has kept his privacy kahit lagi nila akong nakikita sa labas. Proud ako na iyong pamilya ko, naging proud sa ginagawa ko na siya kong itinuturing na pinaka-golden moment ko,” pahayag niya.

Dahil din sa pagsisikap niya at sa show, natupad din daw ang pangarap niya na maibili ng bahay ang kanyang ina at ma-secure ang future ng anak niyang si Callie na mag-aaral na ng aviation course sa isang sikat na international school.

Sa panig naman ni Beauty, nagpapasalamat siya dahil nabigyan ng panibagong sigla ang kanyang career sa tulong ng serye.

“I made the right choice kasi bago ko gawin iyong teleserye, I was about to transfer na to another network. I am super blessed that I made the right choice na mag-stay at sobrang dami ng blessings na naging kapalit,” aniya.

“Super thankful din ako kay Dimps dahil kung walang Daniela, walang magiging Romina,” dugtong niya.

Very grateful din ang teen quartet na The Gold Squad, na binubuo nina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Seth Fedelin, at Kyle Echarri, dahil naging daan ang serye para makilala ang kanilang grupo na sa ngayon ay nakapaglunsad na ng kani-kanilang digital movies sa iWant at nakapaghakot na ng 1.8 milyong subscribers sa YouTube channel nila.

Sa natitirang episodes ng pinag-uusapang teleserye ng bayan, marami pang kapana-panabik na mga eksena ang dapat abangan.

Susuungin ng apat na babaeng Mondragon ang pinakamalaking gyera sa kanilang mga buhay.

Patuloy na mababalot sa paghihiganti ang mag-inang Romina (Beauty Gonzalez) at Cassie (Francine Diaz) laban kina Daniela (Dimples Romana) at Marga (Andrea Brillantes) hangga’t hindi nila nakikita ang pagbagsak ng isa’t isa.

Matapos ang pagkamatay ni Carlos (Adrian Alandy) habang ipinagtatanggol si Romina, iigting ang paniniwala ni Daniela na si Romina ang dahilan ng pagkawala ng lahat sa kanya, habang titindi naman ang poot sa puso ni Marga.

Gayunpaman, desidido rin si Romina na mapatunayan na ang lahat ng pagtatangka sa kanya at ng kanyang pamilya ay kagagawan ni Daniela. Ngunit mahihirapan si Romina na ilabas ang katotohanan dahil sa pagtulong ni Hector (Joko Diaz) at ng espiyang hindi pa niya kilala ang katauhan.

Patuloy naman ang pagtatago ni Cassie (Francine) upang ipalabas na patay na siya, samantalang manghihimasok sa gulo si Marga dahil sa kutob niyang buhay pa ang tiyahin.

Alin sa apat na buhay na kinadena ng pasakit ang matitira? Makalaya pa kaya sina Romina, Daniela, Cassie, at Marga mula sa sakit na nararamdaman?

Itinanghal na “The Battle of the Dragons” ang pagtatapos ng naturang serye na umere ng higit sa isang taon. Bukod sa mataas na ratings, nakapagtala ito ng milyon-milyong views sa YouTube at naging patok sa netizens ang mga meme na mula sa serye. Bukod naman sa Pilipinas, ipinapalabas din ito sa Myanmar at kasalukuyang umeere naman ang Indonesian adaptation nito.

Huwag palampasin ang pagtatapos ng “Kadenang Ginto” sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Leave a comment