May 22, 2025
Kylie Padilla denies rumors of being reunited with ex-boyfriend Aljur Abrenica
This is it!

Kylie Padilla denies rumors of being reunited with ex-boyfriend Aljur Abrenica

Feb 11, 2015

Rommel_Placente
by Rommel Placente

5242d4a63 Itinanggi ni Kylie ang balitang nagkabalikan na sila ni Aljur Abrenica, pero aminado siya na nagkikita sila ng ex-boyfriend paminsan-minsan.

“Friends lang, ewan ko. Hindi ko alam kung ano ang tawag du’n.” sabi ni Kylie

Hindi raw nanunuyo sa kanya ang dating boyfriend na magbalikan sila. Pero okay raw sila. Iniisip pa rin ni Kylie ang bilin ng kanyang ina na si Liezl Sicangco na huwag nang makipagbalikan dahil sasaktan pa rin daw siya uli.

Wala raw sa ngayon at hindi niya maipaliwanag kung ano ang na­raramdaman niya kapag magkasama sila ni Aljur. Halatang may natitira pang love ang dalaga kay Aljur kaya “hindi alam” lang ang lagi niyang sagot. Ang sure lang daw si Kylie, hindi sa love life ang focus niya sa ngayon.

“Ang gusto ko na ngayon, mag-travel, mas maraming friends. Ayoko na mag-focus sa love life. Kaya kung ano ‘yung sinabi kong ‘yun, ‘yun na lang talaga ‘yun. Syempre, nagma-mature na tayo, eh. Syempre, pag in love ka, du’n ka na naka-focus. Enjoy life na muna,” sabi pa ni Kylie.

 

______________________________________________________________________________________________________

Jomari Yllana receives lengthy message from Kris Aquino in reference to the former’s post, “…si PNoy na ang pinakatangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas.”

imagesNagpadala pala ng mahabang text messages si Kris Aquino kay Jomari Yllana na naglalaman ng paninita sa aktor dahil sa pagtawag nito sa kanyang kapatid na si PNoy na pinakatangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas. Hindi na nga lang daw sinagot ni Jom ang text na yun sa kanya ng presidential sister dahil ayaw niya na raw lumaki o lumala pa ang isyu sa pagitan nila.

Well, dapat lang na hindi na sumagot si Jom at ipagtanggol pa ang kanyang sarili kay Kris. Kahit saan tingnan ay talagang mali siya. Pwede naman siyang magbigay ng opinyon tungkol sa SAF Fallen 44 na hindi niya kailangang tawagin pa na pinakatangang presidente si PNoy, di ba? Bilang kapatid, masakit nga naman ‘yun para kay Kris na tawagin nang ganoon ni Jom ang kanyang kapatid na presidente pa naman ng ating bansa. Kaya hindi natin siya masisisi kung magalit man siya kay Jom.

 

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply