May 22, 2025
‘Uniporme’ features Gen. Bato dela Rosa’s life story
Latest Articles Rodelistic

‘Uniporme’ features Gen. Bato dela Rosa’s life story

Sep 23, 2018

Bilang pagpupugay at pagdakila sa kapulisan ay masasabi naming napakaganda ng intensiyon ng ACTIVE MEDIA PRODUCTION
sa paghahatid ng isang programa tungkol sa mga kabutihang nagagawa ng Men in Uniform. Ito ay ang UNIPORME na mapapanood tuwing Sabado, alas-3 ng hapon sa GMA News TV. Mula sa direksiyon ni Neal Tan.

Sa totoo lang naman kasi, hindi naman lahat ng mga pulis ay masasama at gumagawa ng hindi maganda. Marami pa rin sa kanila ang tapat sa serbisyo at mapagkakatiwalaan. At ito ang gusto ng programa na imulat at ipabatid sa mga tao ang kabayanihan ng kapulisan.

Masasabing ito ang kauna-unahang Hero-Serye sa telebisyon kung saan tampok ang kuwento ng mga pulis na gumawa ng mga kabayanihan para sa kapwa at sa pamayanan na rin natin. Mga istorya ng totoong buhay nila na magbibigay din ng inspirasyon sa mga makakapanood.

Si Lenora Sy ang executive producer ng tv show at dahil ang asawa niya ay isang pulis ay sobra ang effort at atensiyon na ginagawa niya sa palabas. Nagsisilbing host din siya ng palabas.

“Isa sa mga adbokasiya ko ay mapalaganap sa tao na napakaraming pulis ang matitino at tapat sa kanilang tungkulin. Nasasaktan ako kapag may mga nababalitaan ako na hindi maganda sa kapulisan. Naniniwala ako na makakatulong ang UNIPORME para sa lalo pang pagkilala sa kabutihan ng mga pulis.”

Isa pala sa kaabang-abang na episode ng UNIPORME ay ang istorya ni General Bato dela Rosa. Matutunghayan ang kaniyang tagumpay at pakikipagsapalaran sa buhay bago siya kinilala sa kaniyang larangan.

Leave a comment