
Once upon a time controversial Jojo Veloso makes his comeback in the showbiz industry; To manage Anya Aragon in the mainstream
by Ruben Marasigan
Balik showbiz ulit ang minsa’y naging kontrobersiyal na talent manager na si Jojo Veloso. This time, tutok siya sa pagbi-build up sa bago niyang discovery na si Anya Aragon.
“Nakaka-miss ang showbiz,” sabi ni Jojo nang makakuwentuhan ng Philippine Showbiz Republic (PSR) kamakailan. “At excited ako para sa alaga kong si Anya.
“Napi-feel ko na may future siya sa showbiz. Star material talaga siya.”
Kung sabagay, proven na naman na si Jojo has an eye for potential stars. Ilan sa mga naging talents niyang sumikat noon ay sina Ina Raymundo, Matt Mendoza, Dale Villar, Aya Medel, Via Veloso, at Ana Capri.
Masaya naman daw si Jojo sa kanyang buhay outside showbiz. Naging Board Member siya sa Biliran province.
Pagkatapos nito, kinuha naman siya bilang staff ng dating Congressman at ngayon ay Gobernador ng Biliran na si Governor Gerry Boy Espina.
“Ako ang in charge sa pag-aasikaso ng mga scholarship projects niya, sa mga special events at sa pagtulong na mai-promote ang tourism ng Biliran.
“Hanggang biglang nakita ko si Anya na sa tingin ko ay may future at may “K” naman sa pag-aartista. Naisipan ko na mag-build up ulit ng talent.
“Kaya ko namang isabay ito sa trabaho ko kay Governror Gerry Espina. Natuwa nga ako actually kasi no’ng nabanggit ko sa kanya na gusto kong mag-manage ulit ng talent, supportive naman siya.
“Kung sabagay, mabait naman talaga si governor. Tatagal ba ako bilang isa sa staff niya kung hindi siya mabait?” nangiti pang sabi ni Jojo.
Na-discover daw ni Jojo si Anya nang magawi siya sa Matnog, Sorsogon. Kumakain daw siya sa isang food outlet nang maispatan niya ang dalaga.
In-approach daw niya ito at tinanong kung gustong mag-artista. Agad-agad agad ay oo raw ang sagot nito.
“Pangarap pala niyang maging artista. At na-engganyo siya nang sabihin ko na may potensiyal siya.
“Kinausap niya nang masinsinan ang pamilya niya. Pinayagan naman siya na lumuwas ng Manila.”
Sa ngayon ay may mga ongoing negotiations na raw sa mga possible projects na gagawin ni Anya. Kabilang na rito ang isang pelikula na ayaw munang sabihin ni Jojo ang detalye.
“We’ll announce it so kapag nagsimula na siyang mag-shooting. Sa ngayon, Anya is getting ready sa kanyang pagsabak sa showbiz.
“She’s undergoing an acting workshop sa ngayon. Tapos may mga pictorials siya.
“We’re both happy and excited. Kasi unti-unting nagbubukas ang opportunity sa showbiz for her,” panghuling nasabi ni Jojo.