
Urgent Motion files by the camp of accused Sen. Revilla to visit son, Jolo in the Asian Hospital
by Eric L. Borromeo
Nagpadala ngayong araw ng urgent motion si Sen. Bong Revilla sa Sandiganbayan na naglalaman ng ‘please for compassion and understanding’ para madalaw ang anak na si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla na nasa ospital ngayon sa Asian Hospital, sa Muntinlupa dahil sa tama ng bala sa dibdib nung Sabado.
Ayon sa mga lumabas na report, aksidenteng nabaril ni Jolo ang sarili noong Sabado habang nililinis nito ang kanyang baril. Agad itong isinugod sa ospital at ngayon ay stable na ang kondisyon matapos maoperahan para alisin ang nabuong mga dugo sa kanyang baga.
Sa dalawang pahinang isinumite ni Sen. Bong sa Sandigandbayan, humihingi ito ng permiso na madalaw ang anak kahit tatlong oras lamang upang malaman ang kondisyon nito.