June 14, 2025
Veteran actress Amalia Fuentes suffered from stroke while in South Korea
Home Page Slider Latest Articles

Veteran actress Amalia Fuentes suffered from stroke while in South Korea

Nov 9, 2015

by PSR News Bureau

amalia-fuentesNakaklungkot minsan isipin na kinakailangan pang mayroong mangyaring hindi maganda sa isang tao upang muling magkasundo ang bawa’t isa. Kamakailan lang ay kinumpirma ng apo ng beteranang aktres na si Amalia Fuentes na na-stroke ito habang nagbabakasyon sa South Korea noong October 9. Ayon sa mga anak ng yumaong aktres na si Liezl Martinez, natagpuan ng isang kaibigan ang kanilang Lola Amalia sa kanyang tinutuluyang hotel room at kaagad na isinugod sa ospital. Nang maging stable na ang kondisyon nito, saka pa lang ito pinahintulutan ng kanyang mga doktor na muling magbiyahe pabalik ng Pilipinas. Noong October 27 nga ay muling nakauwi ng bansa ang aktres at saka idineretso rin sa isang pribadong ospital.

31amaliaDahil nga sa nasabing insidente, muling nagkaroon ng pagkakataon ang mga apo na makumusta ang kanilang mahal na Lola na noong kasagsagan ng pagkamatay ni Liezl na kanilang ina ay nagkaroon ng palitan ng mga hindi gaanong kagandahang salita sa pagitan ng apo at ng kanilang Lola Amalia. Matatandaan na maging ang ama ng mga bata na si Albert Martinez ay nadawit na rin sa usapan nang ihayag ni Amalia ang pagkadisgusto niya rito dahil ‘inagaw’ umano sa kanya nito ang atensiyon ng kaisa-isang anak na si Liezl na sumakabilang-buhay nang dahil sa kanser.

Nawa’y maghatid ng kapayapaan ang nasabing malungkot na insidente na pagkakasakit ni Amalia at magsilbi itong paraan upang magkabati at muling magbuklod ng pamilya nila lalo’t parehas lamang silang nagmamahal sa yumaong si Liezl. Hangad ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ang patuloy at mabilis na paggaling ni
Ms. Amalia Fuentes.

Leave a comment

Leave a Reply