May 23, 2025
Veteran actress Lucita Soriano dies of cardiac arrest at 74
Home Page Slider Latest Articles

Veteran actress Lucita Soriano dies of cardiac arrest at 74

Jul 9, 2015

By Vance Madrid

lucitasoriano

Matapos ang limang dekada ng pagiging aktres, pumanaw na kagabi ang beteranang aktres na si Lucita Soriano ayon sa anak nitong si Gary Garcia. “Thank you Lord for the life you have given my mom here on earth. She is now at peace and will be coming back home to You. Thank you Lord for your kindness!,” sabi ni Garcia sa kanyang Facebook account.

Na-confine sa intensive care unit ng isang ospital sa Novaliches si Lucita noong Martes. Marami ang nakikiramay sa pamilyang iniwan ng beteranang aktres.

1-7-2011-5-09-43-PM-5298364Si Soriano ay isang beteranang aktres na nakagawa na ng mahigit 200 na pelikula mula noong dekada 50’s. Nauna siyang ipinakilala sa pelikulang I Believe (1961) at umani ng papuri sa ilan sa mga obra ng namayapang direktor na si Lino Brocka sa pelikulang gaya ng Macho Dancer (1988) at Bayan Ko, Kapit sa Patalim (1984).

Pinarangalan din siya bilang Best Supporting Actress noong 1972 Quezon City Film Festival para sa pelikulang And God Smiled At Me na pinangunahan ni Nora Aunor at Tirso Cruz III. Nagkaroon din siya ng nominasyon mula sa FAMAS Awards para sa pelikulang “Dugo ang Kulay ng Pag-Ibig (1966).

Madalas siyang napapanood sa telebisyon gaya ng Maalaala Mo Kaya, Valiente at Familia Zaragoza. Lumabas din si Soriano sa hit na teleserye at orihinal na bersiyon ng “Pangako Sa’Yo” kasama sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales noong 2000. Ang huli niyang paglabas ay ang episode ng Maalaala Mo Kaya noong taong 2009.

Mula noo’y naka-base na siya sa California kapiling ang kanyang ikalawang asawa na si Michael Mayr na kanyang pinakasalan noong 2009.

Taos-pusong nakikiramay ang Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa mga naulila ni Lucita Soriano.

Leave a comment

Leave a Reply