
Vic Sotto entrusted VST & Co. music rights to ABS-CBN
by PSR News Bureau
<br />
Ipinagkatiwala na ng lubusan ng ace comedian na si Vic Sotto ang copyright dues para sa grupo nilang VST & Co. sa pamunuan ng ABS-CBN. Ayon pa kay Vic, iyon ang pinakatamang gawin. Sa mga hindi nakakaalam, nakilala rin bilang mga musikero ang grupo ni Vic noong taong 1970’s na kinabibilangan nina Senador Tito Sotto, Vic, Joey De Leon at iba pang mga artists. Ang mga awitin nila na kanilang isinulat ay nakagawa ng malaking tatak sa industriya ng musika lalo pa’t pumatok talaga ito noong kapanahunan ng Manila Sound.
“Everything’s plantsado na. Protektado kami, which is, I think the most important lalo na para sa mga song-writers. Mas maganda ngayon ang setup with Star Records at the same time, mas madaling ma-share ng taongbayan. We feel good about it, kami na Tito, Vic and Joey,” pahayag ni Vic.
Nakatakdang maging theme songs ng mga ABS-CBN’s TV series ang mga awitin ng TVJ & Co. gaya ng “Magsayawan,” “Ipagpatawad Mo,” “Awitin Mo, Isasayaw Mo.”