June 5, 2025
Home Page Slider Latest Articles

Vic Sotto and Pauleen Luna to wed in January 2016; no prenup agreement between them

Oct 13, 2015

psr ad

By: PSR News Bureau

Bagamat nakatakda na ang kasalang Pauleen Luna at Vic Sotto, nananatili pa ring sikreto kung kalian ito magaganap. Napaka-pribado kasing tao dc3c1e80-caac-11e3-bc71-6b34df1ba46d_vic-and-pauleen-nppanina Pauleen at Bossing Vic kung kaya’t mas gusto nilang hindi muna ipaalam sa publiko ang eksaktong araw ng kanilang pag-iisang dibdib. Ang sinigurado lang ay magaganap ito sa taong 2016 ng buwan ng Enero. Ito raw kasi ang napili ng magkasintahan upang mas maganda nga naman nila sasalubungin ang susunod na taon. Balak naman ng dalawa na mag-announce kung kalian talaga magaganap ang kanilang kasal, at mangyayari ito ngayong buwan ng Oktubre kung saan mamumudmod sila ng tinatawag na ‘Save the date’ cards na hudyat ng imbitasyon sa kanilang espesyal na araw.

Ayon pa kay Pauleen na napakagandang bride-to-be, hindi daw nila pinag-usapan ni Bossing Vic ang prenuptial agreement. “Para sa akin, parang medyo nakakawalang respeto sa babae kung bibigyan mo ng prenup. Kasi pakakasalan mo pa kung hindi mo naman siya pinagkakatiwalaan. That’s my take on it,” paliwanag ni Pauleen. Kung tutuusin, hindi naman pera ang habol ni Pauleen kay Vic dahil may kaya naman din ang pamilyang pinagmulan nito at hindi rin si Pauleen ang tipo ng babae na mahilig sa mga material na bagay. Noong umpisa nga, kuwento n gating mga kaibigan sa showbiz, hindi rin gusto ng ina ni Pauleen si Bossing para sa anak. Alam kasi nito na iisipin ng maraming tao na ang salapi ang habol ng anak kay Bossing lalo pa’t malaki ang agwat ng edad nila. Pero gaya ng sinabi ni Francisco Balagtas, ‘pag pag-ibig ang pumasok sa sinuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.’ At sa kalaunan ay hindi na nga napigilan pa ng butihin ina ni Pauleen ang dalaga na tuluyang mahulog ang loob nito sa beteranong komedyante.

PAULEENBOSSSa ngayon ay busy si Pauleen sa preparasyon ng kanilang kasal. Hands-on ang dalaga ditto dahil minsan nga lang mangyari ang ganito ka-espesyal na okasyon sa buhay ng isang babae. “Every week we have a meeting with my wedding coordinator. Nagyon medyo nandun na kami sa final touches. Okay na yung caterer, and then the one who will make my dress and Vic’s suit. May venue na rin yung kasal at reception. So finishing touches na lang ng konti.”

Si Francis Libiran daw ang gagawa ng wedding gown ni Pauleen at pati na rin ng suit ni Vic. Mas gusto raw kasi vic-sotto-and-pauleen-luna-227x344nilang Filipino designer ang gagawa ng kanilang wedding gown at suit. “Mas gusto rin namin yung tailor made para sa amin yung damit para ma-achieve kung anuman yung talagang gusto mong mangyari hindi katulad if you buy something that’s off the rack.”

Ngayon pa lang, inaabangan na ng lahat ang nalalapit na pag-iisang dibdib nina Bossing at Pauleen. Nakausap na rin daw nila ang mga tatayong principal at secondary sponsors na karamihan ay manggagaling sa Dabarkads nila sa Eat Bulaga. Katwiran ni Pauleen, hindi naman daw kasi sila ma-showbiz na tao ni Vic, kaya’t maliban sa mga kaibigan sa Eat Bulaga, mga non showbiz friends ang makaka-witness ng kanilang wedding.

Leave a comment

Leave a Reply