May 23, 2025
Vice Ganda appeals to his bashers: “Stop the hate and spread the good vibes.”
Home Page Slider Latest Articles

Vice Ganda appeals to his bashers: “Stop the hate and spread the good vibes.”

Nov 11, 2015

by PSR News Bureau

vice-gandaNakikiusap na si Vice Ganda na tigilan na ang pambabash sa kanya. Nanawagan ito na itigil na ang mga nega dahil marami na raw ang taong nasaktan at marami na rin ang mga nakasakit ng kapwa ng dahilan dito. Mas gusto ni Vice to spread the good vibes na lang kaysa mambash ng ibang tao. Pinasalamatan rin niya ang kanyang fans sa patuloy nitong pagsuporta sa kanyang karera at sa pagtatanggol na ginagawa nila laban sa mga detractors ng komedyante. Hinikayat rin niya ang mga ito na magpakalat na lang ng magagandang vibes sa halip na maging negatibo. Kaya’t naglabas ng #StopTheHate si Vice bilang laban nito sa mga taong walang ginawa sa kanilang buhay kung hindi ang mambash. Vice-Ganda4-300x298“Huwag ninyong sayangin ang oras ninyo sa kakabash sa akin. Mas marami pang mas kapakipakinabang na bagay ang maari ninyong gawin kasya i-bash ako,” sabi ni Vice.

“Ginawa ko ang aking social media accounts para sa fans ko. Kung hindi ko kayo fans, hindi para sa inyo ang bawa’t mensahe ko. Pero respetuhin ninyo na akin ang social media account na ito, kaya’t huwag na lang ninyong basahin,” pagpapatuloy ni Vice.
Aniya, tanggap naman daw ni Vice kung dumating yung panahon na laos na siya at wala ng ibubuga pa. “Pana-panahon lang kasi iyan. Minsan ikaw yung nasa itaas, pero may oras din na kailangan mong bumaba. Pero grabe naman, siguro naman hindi pa ako laos,” pagtatapos nito ng tumatawa.

Leave a comment

Leave a Reply