May 22, 2025
Vice Ganda confirms new movie with Pia Wurtzbach
Latest Articles

Vice Ganda confirms new movie with Pia Wurtzbach

May 9, 2017

Nakausap namin noong Friday, March 5 si Vice Ganda nang magpatawag siya ng intimate chikahan sa mga malalapit na kaibigan niya sa entertainment press.  Dito ay kinumpirma niya na may gagawin siyang pelikula with 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Wala pang binigay na title ng pelikula si Vice pero ayon sa kanya, creative consultant din siya ng naturang project pero wala raw itong extra pay.

“Hindi ko pinapabayaran yon, eh, yung my being part of the creative. Kasi I feel it’s my obligation kasi it’s my movie, na kailangan yung inputs ko nandodoon,” pahayag ni Vice.

Patuloy niya, “Kasi everything has to be ‘vicified.’ Kasi alam nila pag hindi ‘vicified’ yung act, yung tema… Kasi may certain Vice Ganda brand, kailangan ma-ano mo yon, eh. Kasi pag hindi, ‘Ay hindi ito Vice Ganda.’ Baka hindi nila magustuhan. Gustung-gusto ko rin naman yung ganu’n. Na nire-require nila ako, na kailangan hands-on. Ang wordings kailangan sa akin nanggagaling. Nasanay na din sila na nakikialam ako, eh. Pag hindi ako nakialam nagtataka sila na ‘Uy, ba’t hindi kumikilos?’ Naba-bother sila kaya ano rin ako. Eh, very passionate talaga ako kapag nagtatrabaho.”

Sinigurado rin ni Vice na aalagaan niya si Pia sa pelikulang pagsasamahan nila.

“Hindi ko naman pababayaan yang si Pia. We are friends actually. Kahit si Jonas (Gaffud, manager ni Pia), friends kami. Hindi ko pababayaan si Pia, mahal ko yon, ‘no. I will take good care of her.”

Photo from Pia's instagram account
Photo from Pia’s instagram account

Hindi pa sure ni Vice kung para sa 2017 Metro Manila Film Festival ang kanilang movie.

“Basta before the year ends. Puwedeng filmfest, puwede rin namang before filmfest, but definitely, bago matapos ang taon, may mapapanood kayong movie.”

Sa March 14 ay Mother’s Day.  Gustuhin mang i-treat ni Vice ang kanyang ina pero hindi niya ito magagawa. Naka-base na kasi ito sa America.

“Pinakamaganda sigurong magagawa ko sa kanya ay yung tawagan ko siya. Pinakasimple yun, pero yun ang pinakamai-enjoy siguro ng nanay ko, yung magkausap kami. Kasi yung mga regalo ko, parang wala ng masyadong bearing sa kanya.  Minsan pag may binibigay ako sa kanya, sasabihin niya, ‘Huwag na yan, hindi ko naman kailangan yan, ayoko niyan’.  Pag tinanong ko, “Ano bang gusto mo? ‘Iisipin ko na lang, tsakana’  Tapos pag naisip niya naman kahit walang okasyon, sasabihin niya, “Ay anak parang gusto ko yung ganito. ‘O sige” Ganun lang siya. Pero every now and then I’ll make sure na nakakusap ko siya kahit thru viber or phone calls.”

Samantala, ayaw magbigay ng pahayag ni Vice nang kunin ang reaksyon niya sa pagpapakasal ng nauugnay sa kanya noon na basketball player, si Terrence Romeo.

Photo from Terrence's instagram account
Photo from Terrence’s instagram account

“Ay, wala po akong reaksiyon diyan!

“Ayokong mag-comment. Huwag nating pag-usapan ‘yan. Bigyan natin siya ng kapayapaan.

“Kasi hangga’t binabanggit natin siya, e, mapapag-usapan at mapag-uusapan. Hindi siya matatahimik. Siyempre, di ba?”

 “Ayokong magsalita! Hahaha! Ayoko. Ayoko nang ma-connect sa kanya. Huwag na nating anuhin, let’s give him peace.”

Leave a comment