May 23, 2025
Vice Ganda feels pressured on her upcoming concert
Latest Articles Uncategorized

Vice Ganda feels pressured on her upcoming concert

May 7, 2015

mildred@bacud
by Mildred A. Bacud

image Two weeks na lamang at May 22 na, magaganap na ang malaki at bonggang concert ni Vice Ganda sa Araneta Coliseum billed as ‘Vice Gandang-ganda Sa Sarili Sa Araneta… Eh Di Wow.’ Kuwento ng Phenomenal Star sa Philippine Showbiz Republic (PSR) na bagamat sanay na siya sa pagtatanghal sa concert at mga shows nakakaramdam pa rin siya ng pressure at kaba. Lalo na’t siya mismo ang nagsusulat ng kanyang script at hands-on siya sa kabuuan ng production.

Noong nag-meeting kami sa New York, sabi namin ang saya nito kasi apat na production number lang, pero minus the stand-up comedy ha. 4 productions lang pero lahat parang opening. Kasi sa mga concerts may mga production, pero ang highlights lang yung opening at finale. Nai-stress talaga ang production kasi major talaga at nasa gitna ang stage, walang backdraft. Sobrang gastos siya,”pagkukuwento pa ni Vice.

Isa si Vice sa iilang artists na may hawak na record as the ‘most attended concert.’ Kaya naman malaki rin ang expectations sa kanya ng publiko. Tinanong siya ng Philippine Showbiz Republic (PSR) kung pressured na siya dahil malapit na nga ang concert niya.

3329-vice-ganda-sad-for-vhong-navarro-amid-controversy-400x252May kaba at pressure before the concert pero kapag mismong concert na, nawawala na lahat yun. Kasi may obligasyon na tayong ibigay yung more than 100 percent best natin para sulit ang ibinabayad ng mga tao sa atin,” paliwanag pa nito.

Gaya ng sinabi ko sa mga past interviews ko, 13 years old and above lang ang pwedeng manood (ng concert) kasi ayokong magkaroon ng limitasyon sa performance ko. Promise ko talaga sa apat na production number na gagawin ko, sobrang pasabog talaga,” dagdag pa niya.

Ipinagpapasalamat ni Vice na sa loob ng higit limang taon mula ng pumasok siya sa showbiz ay hindi pa rin bumababa ang kanyang popularidad sa kabila ng mga intriga at kontrobersiya sa kaniya.

Sabi nga ni sir Deo (Endrinal) sa akin dati, he’s giving me ‘three years,’ nalagpasan ko naman. He said he’s giving me another ‘two years,’ naitawid ko ulit. Ang panghuli niyang sabi sa akin, ‘matagal ka pa Vice,’ kaya nagpapasalamat talaga ako.

Sa ibang usapin naman, malamang na hindi na raw matuloy ang pelikulang pagsasamahan sana nila ni Daniel Padilla na intended sana for Metro Manila Film Festival (MMFF) this December. Ang problema raw ay ang schedule ng direktor nito na si Wenn Deramas. Siya rin kasi ang direktor ng movie na gagawin ng ‘Phenomenal Star’ at ng ‘Primetime King’ na si Coco Martin. Bukod pa sa may iba pang ginagawang teleserye si direk Wenn.

Leave a comment

Leave a Reply