
Vice Ganda overconfident in new film, new director
May pelikulang entry si Vice Ganda sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018. Ito ay ang “Fantastica” na leading men niya rito sina Dingdong Dantes at Richard Guttierez.
Sa presscon ng nasabing pelikula na ginanap kagabi sa Dolphy Theater ng ABS-CBN 2, sinabi at ginagarantiya ni Vice, na magugustuhan ng manonood ang bago niyang pelikula mula sa Star Cinema at Viva Films.
”I wanna tell you right now, everyone’s gonna have a great time watching Fantastica. Isinusumpa ko ho, nakakatawa ang pelikula namin,” pagmamalaki ng bida.
Patuloy niya, “Ito ay hindi lang raket, ‘di namin kayo niraraket, talagang patatawanin namin kayo. Hindi po ako natatakot, na baka may lumabas sa inyo (sa sinehan), na hindi natawa sa pelikula Sinisigurado ko po na tatawa kayo. Mayroon at mayroong eksena sa pelikula na magpapatawa sa inyong lahat. Hindi namin kayo sinisindikato, masayang pelikula po ang panonoorin ninyo sa Pasko.”
Karamihan ng pelikulang ginawa ni Vice, lalo na ‘yung nakasama sa taunang film festival, ay ang namayapang direktor na si Wenn Daramas ang nag-direk. This time, ang baguhang direktor na si Barry Gonzales ang direkor niya sa Fantastica.
Paanong napili si Direk Barry para maging direktor niya?
“Actually, I had no one in mind, when I was asked kung sino ang gusto kong maging direktor ulit. Kasi si Direk Joyce Bernal, nag-beg off. ‘Yung last movie pa lang namin na ginawa, sinabi niya, hindi muna ako sasama sa next movie mo, kasi meron akong gagawin. Pero huwag kang mag-alala, kasama ako sa creative, tapos ako ang mag-i-edit,tapos sasama ako sa first shooting. Hanggang sa last shooting, kasama pa rin si Direk Joyce.
“Kaya nung nag-usap kami ng Star Cinema, tinanong nila ako, “Sino ang gusto mo na maging direktor?” Wala na talaga akong maisip, kasi wala akong masyadong kilalang comedy director
“Yung Star Cinema ang mismong nagsabi, i-try mo si Barry Gonzales. Sabi ko ’Ay kilala ko si Direk Barry. Magkakilala kami, nakasama ko na siya kay Direk Wenn, at saka ala-alaga rin siya ni Direk Wenn.
“Kaya nung mabanggit sa akin si Direk Barry, somehow nung simula, kumalma agad ako, kasi nga under the wings of Direk Wenn. Sabi pa ng Star Cinema, panoorin mo itong movie ni Barry Gonzales, para magkaroon ka ng idea, kung paano siyang magtrabaho.
“We even talked to some people na, were able to work with Direk Bary. Tapos, I only heard good words about him. Kaya nung huling meeting namin, sabi ko,”Sige go! Kay Direk Barry na tayo.
“And totoo naman, mas lalong napadali at napaganda ‘yung pelikula namin, kasi siya ‘yung naging direktor namin. At masayang-masaya ako na nagkasama kami rito na ang laki nung pelikula, na kahit siya nati-tense nu’ng simula.
“Pero gusto kong sabihin kay Direk Barry, na hindi pa kami nagsisimula, ang laki-laki na ng tiwala sa kanya ng Star Cinema, at nag-bouch sila sa akin. Never talaga kaming nagkaroon ng malaking problema habang ginagawa itong pelikulang ito. At masayang-masaya ako, na sinimulan at tinapos namin ang pelikula, na si Direk Barry ang direktor namin.”