
Vice Ganda says her two cents on suicide
Vice Ganda says her two cents on suicide
Nag-post ng message si Vice Ganda sa kanyang Instagram Account na hindi dapat nagsu-suicide ang isang tao. Sabi ng mahusay na komedyante sa kanyang IG post, “Everyone has to have a friend. And your friend needs to be assured that he has a friend in you. So that in times of trouble he knows that he has someone to turn to. That he is loved. That he is never alone because he has a friend. A friend who listens, never judges, understands and sticks with him until his tears are dry.
“Let us be our friends’ strength.”
“Let’s keep them. Don’t lose them. “#NoToSuicide.”
Bagamat hindi nagbanggit si Vice ng pangalan sa kanyang IG post, ang mga nakabasa nito ay nagsasabing kaya nagbigay ng ganitong payo si Vice ay dahil sa ginawang pagpapakamatay ng anak nina Nonie at Shamaine Buencamino na si Julia na ang sinasabing dahilan ng kanyang pagpapakamatay ay dahil hindi siya matanggap ng kanyang mga kaibigan sa pagiging isa niyang tomboy.
[divider]
Blind item: Actress is TV executive’s kept woman
Ngayon ay alam na namin ang dahilan kung bakit hindi nawawalan at sunod-sunod ang paggawa ng serye ng isang aktres sa isang malaking network , kabit pala kasi siya ng isang executive rito. Yes, ito ang nakarating sa amin mula sa isang reliable source. Nagawa raw pumatol ng aktres sa TV executive para daw mabigyan siya ng maramig project sa istasyong kinabibilangan niya.
Sino si aktres? Maganda, sexy , flawless at mahusay siyang umarte. In fact, tumanggap na siya ng acting awards. Ang manager niya na isang bading ang siyang nagbugaw sa kanya sa TV executive.