
Vice Ganda to bashers: Itigil nyo ‘yang hate nyo
Nakipagpalitan ng mensahe kamakailan si Vice Ganda sa isang vollyball player ng UST na si Wewe Medina.
Sweet messages ang ipinadala nila sa isa’t-isa. Na nang mabasa ng netizens, sinabi nila na gagamitin lang daw si Vice ni Wewe at peperahan lang daw siya nito, kung magiging sila.
Na nang mabasa ng komedyante ang comment na ‘yun ng netizens, ay nag-post siya ng message para sa haters sa pamamagitan ng kanyang twitter account.
Sabi niya, “Sobrang nakakaawa ‘yung mga haters. Kasi habang hine-hate nyo ‘yung mga tao lalo silang pinagpapala. At habang pinagpapala sila lalo kayong nagagalit. Kaya itigil nyo yang hate nyo sa kanila. May dulot sa inyong malas yan.”
O ayan sa haters, gaya ng sinabi ni Vice, kung hindi kayo titigil sa pamba-bash o panghe-hate ay baka malasin kayo.
**********
Tinanong namin ang mommy ng isang young actress kung totoo ang nakarating sa amin na madalas daw silang mag-away ng kanyang anak, na umaabot pa raw sa murahan.
Ayon sa kanya, hindi raw sila nag-aaway ng young actress, nagkakatampuhan lang daw sila kapag pinapagalitan niya ito at nangangatwiran ito sa kanya.
Pero hindi raw naman sila umaabot sa murahan. Hindi raw naman siya palamura at ganundin ang kanyang anak.
At kapag nagkakatampuhan daw sila, ay nagkakabati rin daw sila agad. Hindi raw nila hinahayaan na umabot pa ng kinabuksan ang pagtatampuhan nila.