
Vice Ganda and his very touching gesture to Jam Sebastian
Nakakatuwa naman si Vice Ganda. Kahit sobrang busy kasi siya ay nagawa pa rin niyang pagbigyan ang kahilingan ni Jam Sebastian ng JaMich na dalawin niya ito sa hospital kung saan naka-confine ang bagets dahil sa lung cancer.
Paboritong artista ni Jam si Vice. Lahat ng show at pelikula ng komedyante ay kanyang pinapanood. Nag-wish siya na sana ay madalaw siya sa hospital ng kanyang idolo at nang makarating yun kay Vice ay talagang naglaan siya ng oras para madalaw si Jam. Kaya sobrang touched si Jam sa pagbibigay importansya sa kanya ni Vice, mas lalo niya tuloy itong hinangaan.
______________________________________________________________________________________________________
Nasa ibang bansa na si Aldred Gatchalian kasama ang kanyang buong pamilya. Nag-decide silang doon na lang tumira at dun na rin hanapin ni Aldred ang kanyang kapalaran. Dito kasi sa ‘Pinas, wala namang nangyayari sa kanyang career, hindi siya nabibigyan ng pansin ng ABS-CBN 2, hindi siya nabibigyan ng proyekto.
Naging malapit sa amin si Aldred, in fact ilang beses na rin siyang dumalo sa aming kaarawan. Kaya nalulungkot kami na hindi na namin siya makikita. Anyway, good luck kay Aldred, sana ay maging matagumpay siya sa pakikipagsapalaran sa ibang bansa
______________________________________________________________________________________________________
SOLD-OUT na pala ang tickets para sa Ultimate concert nina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Lani Misalucha at Martin Nievera na gaganapin sa February 13 and 14 sa Mall of Asia Arena. Kaya naman sobrang happy ang apat na magagaling nating singers. Sino kaya sa kanila ang magniningning sa kanilang concert? Siguradong hindi sila patatalbog sa isa’t isa,di ba?
Follow me…
Rommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente