
Vice-Governor Jinkee Pacquiao defends husband Manny from bashers
by PSR News Bureau

Gaya ng inaasahan, ipinagtanggol ni Vice-Gov. Jinkee Pacquiao ang kanyang asawang si Rep. Manny dahil sa maraming bumabatikos dito matapos magpahayag nito ng kanyang opinyon na hindi ito pabor sa same-sex marriage. Nauna nang nagalit sina Aiza Segurra, Vice Ganda, Lea Salonga, Perez Hilton at Boy Abunda sa naging statement ni Manny kung saan nagawa nitong ikumpara ang tao sa hayop at sinabi pang mas masahol ang taong nagpapakasal sa kapwa nito lalaki o babae kaysa sa hayop.
Kahit pa humingi na tawad sa publiko at nag-sorry na si Manny sa pamamagitan ng isang video, mukhang hindi siya ganun kadaling patawarin ng gruo ng LGBT sampu ng mga taong nasaktan niya dahil sa kanyang tinuran. Siyempre pa, bilang kanyang kabiyak, hindi rin naitago ni Jinkee ang kanyang saloobin tungkol sa isyu. Sa isang larawan na kanyang ipinost sa kanyang Instagram account, sinabi nito na:
“Haters gonna hate, but there is no room for negativity in my life and my family. God bless everyone! #loveoneanother #ijustprayforeverything.