May 23, 2025
Vice Gov. Jolo Revilla discharged from hospital
Latest Articles

Vice Gov. Jolo Revilla discharged from hospital

Mar 9, 2015

by Eric L. Borromeo

Nakauwi na sa kanilang tahanan si Cavite Vice Gov. Jolo Revilla matapos itong matagumpay na ma-operahan Jolo 2nung Sabado, March 7, sa Asian Hospital and Medical Center. Linggo ng umaga, March 8, ay pinayagan na ang actor/politician na ipagpatuloy na lang ang pagpapagaling sa kanilang bahay.

Ayon pa kay Cavite Congresswoman at ina ni Jolo na si Lani Mercado, maayos na ang kalagayan ng anak ngayon matapos tanggalin ang tubo na nasa dibdib nito para matanggal ang tubig sa kanyang baga. Natahi na rin daw ang sugat ni Jolo sanhi ng bala na tumama sa kanyang dibdib.

Jodi_uBago operahan ang bise gobernador ng Cavite, dinalaw pa ito ng nobya niyang si Jodi Sta. Maria kasama ang mga anak ng aktres.

Ayon nga sa mga lumabas na report, aksidenteng naiputok ni Jolo ang government-issued na .40 Glock pistol noong February 28 habang nililinis niya ito. Agad na pinabulaanan ng spokesperson ng mga Revilla na si Atty. Raymund Fortun na tinangkang magpakamatay ng actor/politician.

Sa isang panayam naman ng talent manager na si Lolit Solis, depressed si Jolo dahil sa pinagdadaanan ng kanyang pamilya ngayon, lalung-lalo na ng amang si Sen. Bong Revilla na naka-detain sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame dahil sa pagkakasangkot sa pork barrel scam.

Nasa pulisya pa rin ang baril ni Jolo para imbestigahan ang nangyaring insidente dito.

Leave a comment

Leave a Reply