May 31, 2025
Vice Governor Daniel Fernando knows his priorities
Latest Articles

Vice Governor Daniel Fernando knows his priorities

May 11, 2015

Ruben Marasigan
By Ruben Marasigan

download (1)Hindi raw pinagsisisihan ni Bulacan Vice Governor Daniel Fernando ang naging desisyong huminto sa pag-aartista at mag-concentrate sa pagiging isang lingkod bayan. Iba raw ang level ng fulfillment niya habang maayos niyang nagagampanan ang kanyang tungkulin bilang bise gobernador ng nasabing lalawigan.
Yung makita mo na marami kang natutulungan na mga kapwa mo Bulakenyo, ang sarap sa pakiramdam,” sabi nga niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR) nang mapadaan ito sa PMPC office kamakailan.
Iyon ‘yung pinaka-priceless na reward para sa isang public servant na kagaya ko.”

Karagdagang inspirasyon din daw para sa kanya ang mga recognitions at awards na kanyang natatanggap sa larangan ng public service. Kamakailan nga ay muli siyang binigyan ng ‘Golden Globe Medal of Distinction for Outstanding and Significant Achievement in Public Service.’
Ito ay iginawad sa kanya ng ‘Golden Globe Awards for Outstanding Filipino Achiever 2015,’isang award giving body na ang layunin ay magbigay ng recognition at tribute sa mga Pilipino sa buong mundo na nakapabigay ng pride at honor para sa bansa. Natutuwa raw si Vice Governor Daniel na ang kanyang mga naging accomplishments ay nabibigyan ng mataas na pagkilala ng awards committee nito.

Yung mga ganitong pagkilala bukod sa naibibigay ng inspirasyon, parang pantanggal-pagod din. Kahit anumang pagod at hirap ang pagdaanan mo sa pagbibigay-serbisyo sa ating mga kababayan, ganado ka pa rin.

November of last year, siya rin ang nahirang bilang ‘Outstanding Local Legislator ng Superbrands Markerting International Inc.’ Ito ay para sa kanyang excellent track record sa pamumuno niya sa Sangguniang Panlalawigan in enacting provincial ordinances and resolutions para maiangat pang lalo ang pamumuhay ng mga kapwa niya Bulakenyo, pagpapanatili ng peace and orderliness, at pangangalaga sa environment.
“Marami na rin akong awards na natanggap bilang public servant. At natutuwa nga ako na patuloy akong nabibigyan ng mga recognitions.”

Taong 2011 nang matanggap niya ang kanyang mga unang regonition sa larangan ng politika. Ito ay ang ‘Most Outstanding Provincial Vice Governor, Foremost Advocate of Good Government and Exemplary Public Service Award’ na iginawad sa kanya ng Philippine Media Affairs o PMAC.
Sa taong ito rin siya nahirang bilang ‘Natatanging Anak Ng Bulacan Acievement Awards,’ at ‘Most Outstanding Board Member from Central Luzon’na ibinigay naman ng Central Luzon Media Association.
Ang iba pang parangal na natanggap niya ay ang ‘Most Outstanding Public Servant sa Gawad Amerika’ sa Los Angeles, California noong 2012, ‘Gintong Palad Public Service Award’ mula sa Movie Writers Welfare Foundation at Elements Marketing And Advertising Services noong 2013, at ‘Distiguished Alumni Awar’ na ibinigay ng University Of The East-Caloocan Alumni Association noong 2014.

Sabi ni Vice Governor Danilel, “I am very much humbled by this award. And I’m grateful to everyone.” Taos-puso rin daw ang kanyang pasasalamat sa mga walang sawang sumusuporta sa kanyang dedikasyon to make a significant difference in the province of Bulacan for the benefit of his fellow Bulakenyos.

“I am assuring my commitment to continously work hard to lead through example and to serve without prejudice.
Guwapo pa rin siya. Parang hindi siya gaanong nagka-edad sa maraming taong lumipas.
“Masaya ako sa buhay ko ngayon,” aniya.“Happy ako sa personal life ko at maging sa aking pagiging isang public servant.
Nasa kuwarenta anyos na si Vice Governor Daniel. Marami ang naiintriga kung bakit single pa rin siya. Wala ba siyang plano mag-asawa?

“Meron naman. Kaya lang sa ngayon, mukhang malabo pa dahil sa dami ng trabahong kailangan kong unahin at i-prioritize.

Ang balita, hindi raw zero ang kanyang lovelife dahil sa ngayon ay meron siyang non-shobiz girlfriend. Pero ayaw niyang mag-entertain ng tanong tungkol dito.

Pagdating sa kanyang private life, talagang tikom na ang bibig niya. Mahalaga daw para sa kanya na mapangalagaan ang kanyang privacy kahit pa sabihing isang public figure siya.

Kung tutuusin, nami-miss daw niya ang pagiging artista. Pero sa dami nga raw ng kanyang ginagawa, kahit may offers ay wala umano siya talagang panahon para rito.

Mahirap. Hindi ko talaga siya maisisingit!”

Leave a comment

Leave a Reply