
Vice Mayor Isko Moreno handang magparaya kay Mayor Erap Estrada
By Mildred Amistad Bacud
Nakausap ng Philippine Showbiz Republic (psr.ph) si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa mismong office nito kamakailan lang. Kinuha namin kaagad ang reaksyon niya sa mga balitang posibilidad na pagtakbo muli ng dating Pangulo at Mayor Joseph Estrada bilang Mayor. Hindi nga ba masama ang loob niya dahil ang pangako ng dating Presidente ay isang termino lamang siya pero may mga ganung kumakalat na isyu?
“Ako naman ay willing magparaya kung saka-sakali para sa ikabubuti ng mas nakararaming tao. Ang pagiging Mayor, yes pangarap natin ‘yan na willing naman akong i-give up kung mas marami ang matutulungan.”
Ganun na lamang daw ang suportang binibigay ni Vice kay President Mayor Erap kung tawagin nila.
Ipinagmamalaki niya ang pagiging wi-fi City na ng Maynila na kauna-unahan sa bansa.
“The next time around you will see physical development naman because in any project, it boils down to funding. If you don’t have it, you have a bankrupt government. I mean you cannot do anything without money.
“Ang ina-address ni Pres. Mayor, ayusin muna yung problema sa pera. Pagkakabaon sa utang ng Maynila which is by next year bayad na lahat.”
Pero may isyu pang lumabas na kung hindi man daw si Erap ang tatakbo ay patatakbuhin nito ang kanyang asawa na si Dra. Loi.
“Hindi naman. Pinag-uusapan lang yun sa barber shop,” pagbibiro ni Vice.
Pero bukod sa pagiging Mayor, inaamibisyon rin ba niyang tumakbo sa Congress o maging Senador?
“I will definitely run in 2016. Pwedeng Kagawad, pwedeng Brgy. Chairman, sa Congress o sa Senate.
Kagagaling lamang ni Isko sa ibang bansa. Nag-aral siya ng short courses sa Harvard at Oxford University. Patuloy daw ang pag-aaral niya para mapalawig pa ang kanyang kaalaman bilang public servant.
Kahit naman sobrang busy hindi pa rin nakakakimutan ni Vice Mayor Isko ang showbusiness. In fact nagkaroon siya ng maliit na role sa pelikulang ‘Bonifacio: Unang Pangulo’ ni Robin Padilla pero hindi ba niya dadalasan ang paggawa ng pelikula o teleserye?
“Alam mo naman ang public service demanding sa time ‘yan. I don’t want to take advantage of the opportunity given to me.”