
Vice says kids below 13 years old are not welcome in his concert
by Rommel Placente
Sa guesting ni Vice Ganda kagabi sa ‘Aquino and Abunda Tonight,’ sinabi niya na mas gusto raw niyang walang batang manonood ng upcoming concert niyang ‘Vice Gandang Ganda Sa Sarili Sa Araneta… Edi Wow!,’ na gaganapin sa Araneta Coliseum sa May 22.
Paliwanag niya, kapag may nakikita raw siyang bata, nadi-distract siya. Yung flow of thoughts daw niya ay napuputol. Naku-conscious daw siya kasi kinu-kunsider niya, may mga bata.
Kahit nga raw nung regular pa siyang nagsho-show sa mga comedy bars ay ayaw niyang pinapanood siya ng mga bata. Inaaway daw niya ang may-ari kapag may nakikita siyang bata.
“Na, ‘Bakit kayo nagpapapasok ng bata, e, ang mature ng pinag-uusapan natin?’ Kaya ako ang nagdesisyon na R-13 dapat yung concert ko. Tama na yung sa movie, pambata ang pelikula ko,”sabi pa ni Vice
Ang ilan sa mga guest ni Vice sa kanyang concert ay sina James Reid, Billy Crawford at Vhong Navarro.
[divider]
Neil Perez prioritizes job as a policeman than showbiz offers
Para sa kanilang ika-10th anniversary ay magkakaroon ng concert ang ‘Unisilver Time’ titled “10XGIVING,” an anniversary concert na gaganapin ngayong gabi, May 15 sa Aliw Theater. Ang mga performers dito ay ang mga endorsers ng Unisilver Time tulad nina Sam Milby, Derrick Monasterio, Karylle, Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Upgrade, ang tinanghal na Mr. International na si Neil Perez at marami pang iba.
Speaking of Neil nang makausap namin siya, may mga offers daw na dumarating na sa kanya para sa pelikula at teleserye after niyang manalo sa international competition. Pero hindi pa raw niya tinatanggap ang mga ito. Titingnan daw niya muna niya kung kakayanin ng kanyang schedule. Sa ngayon daw kasi ang trabaho niya bilang isang pulis ang top priority niya at hindi niya raw ito magagawang pabayaan. Kung sakali man daw tatanggapin niya ang offer, puwede raw siya sa gabi kasi by that time ay wala na siyang trabaho, out na siya ng presinto.
Guwapo si Neil kaya’t siguradong lapitin siya ng mga babae. Pero ayon sa kanya, hindi raw niya magagawang pumatol sa iba dahil tapat daw siya sa kanyang girlfriend.
At sa mga bading naman na nagpapantasiya sa kanya na gusto siyang makarelasyon o ‘matikman’ ang masasabi lang ni Neil ay “Okay lang na makipagkaibigan ako sa kanila, pero hanggang friends lang talaga,” pagtatapos nito.