
Vico Sotto prioritizes health, housing, education
Inilatag ni Vico Sotto ang kanyang plano at plataporma sakaling manalo bilang mayor ng Pasig sa darating na eleksyon.
1. KALUSUGAN NG PANGKALAHATAN
Libreng konsultasyon, gamot, ospital at iba pang gastusing medikal. Sa ospital o healthcare pa lang, ibibigay na ang kinakailangan, di na kailangan pumila pa sa City Hall para humingi ng tulong.
Paggamit ng isang modernong Health IT System.
Unti-unting paglipat tungo sa “primary” o “preventive” healthcare.
Anuman ang mangyari sa “Universal Health Care” sa nasyonal, kaya na natin magpatupad ng lokal na bersyon nito. (Nasa 2.4 bilyong piso ang kakailanganin kada taon. 10.7 bilyon na ang budget ng Pasig).
2. PABAHAY
Tulungan ang bawat pamiloyang Pasigueno na magkaroon ng sariling tahanan.
Pagsasagawa ng publikong inbentaryo ng lahat ng lupain sa Pasig. Suriin ang istado ng mga lupang sumailalim sa mga housing program (katulad ng Community Mortgage Program).
Kung kailngan ng relokasyon, prioridad ang ON-SITE at IN-CITY.
Walang relokasyon kung hindi maayos ang mga pangunahing serbisyo at may kabuhayan sa bagong lugar.
Yakapin ang “People’s Plan” kasama ang tao sa pagbubuo ng plano para sa kanilang pamayanan.
Wasakin ang palakasan system.
3. EDUKASYON
Uunlad lang ang bayan kung edukadong de kalidad ang mamamayan.
Palawakin ang Scholarship Program, walang matatanggal na iskolar. Ang tatanggalin lang ay yung mga requirements na nagpapahirap sa mga mag-aaral katulad ng ticket sa Christmas Party, at t-shirt na may bayad.
Ayusin ang sistema para Hunyo pa lang, matatanggap na ng mga mag-aaral ang mga school supplies (hindi na rin kailngan ang cedula).
Palakasin ang Local School Board para kasama ang mamamayan sa pagbabalangkas ng palno para sa halos 1 bilyong piso na Special Education Fund. Paramihin ang mga independent NGO/PTA na nakaupo saboard na ito.
Magsagawa ng “Summer Reading Camp” para sa mga kabataang hindi pa marunong o hirap pang magbasa.
Magsagawa ng “Teacher’s Training Camps” para matulungan ang mga guro na patuloy na maitaas ang antas ng mga pampublikong paaralan.
4. KONSULTASYON BAGO AKSYON
Patakaran man sa TODA o presyo ng puwesto sa palengke, lahat ng aksyon ay dadaan sa makabuluhang konsultasyon.
Hindi mananatiling benepisyaryo lamang ang mga Pasigueno, kundi ituturing na partner ng gobyerno.
Buhayin ang “local special bodies” katulad ng City/Baranggay Development Councils, Peace and Order Council at Local Housing Board.
Magbuo ng mga “sectoral council” katulad ng Transport Council, (para sa mga TODA jeep, motorista atbp.)
5. LABAN KONTRA KORAPSYON
Mamuno ng tapat. Hindi tatanggap ng kahit piso mula sa mga lagay, kickback o S.O.P. mula sa mga proyekto ng gobyerno.
Buong pagpapatupad ng Pasig Transparency (Freedom of Information) Oridnance of 2018.
Pagtatag ng Government Efficiency and Anti-Corruption Commision.
Pagpapatupad ng Government Watch upang makatulong labanan ang katiwalian.
Lahat ng bidding, may tagamasid na NGO/CSO.
One Stop Shop para sa mga transaksyon sa City Hall, upang maging mas mabilis ang proseso ng gobyerno at mabawasan ang mga pagkakataon para sa lagayan.
O di ba, ang ganda ng mga plano ni Vico sa Pasigueño? At once na manalo siya, ay tutuparin niya ang mga pangako niyang ito.
Hindi siya hanggang salita lamang.
Gwapo si Vico. Pwedeng-pwede siyang maging artista gaya ng kanyang mga magulang na sina Vic Sotto at Coney Reyes.
Pero mas pinili niyang pumalaot sa daigdig ng politika kesa showbiz. Katwiran niya, “Mahiyain po kasi ako noong bata ako, iyong mga simpleng birthday greeting lang para sa Eat Bulaga, naghahabulan pa kami ni mama para pilitin ako,” ani Vico.