May 22, 2025
Victor Neri shocked when he visited drug rehab
Latest Articles

Victor Neri shocked when he visited drug rehab

Mar 27, 2020

Late last year ay naging bahagi si Victor Neri ng programang Beautiful Justice na ang tema ay tungkol sa problema ng droga sa bansa.

Hindi namin makalimutan ang nakagigimbal na kuwento sa amin mismo ni Victor Neri na isa sa mga naging cast member ng naturang Kapuso show.

“Galing ako sa isang drug rehabilitation na may PDEA [Philippine Drug Enforcement Agency] event, nagkaroon kami ng parang awarding dun sa rehab, nag-guest yung some cast ng Beautiful Justice kasi may partnership.”

At ang shocking na rebelasyon ni Victor.

“Rehabilitation ito ng five to nine years old!”

Drug addicts na mga batang paslit?

“Oo, oo! Five to nine! Solvent, shabu addicts! Biro mo?

“Kasi pagpunta ko run sabi ko, ‘Akala ko rehab ‘to?’ ‘Opo, sir.’

“’E bakit puro bata?’ ‘E mga solvent tsaka shabu!’

“Kita mo? Five to nine! Di ba?

“Kinukupkop ng DSWD tsaka PCSO.”

Hindi raw halos makapaniwala si Victor pagkakakita sa mga pagkababatang mga drug addicts. 


“Kaya mas nagagalit ako ngayon sa ano, gusto ko na rin ubusin lahat ng pusher! Di ba? Sana sila na lang ang mamatay! Nandadamay pa sila.

“Iyon ‘yung reality natin, na hindi siyempre ipapalabas dahil boring, e! O di ba?

“Biro mo, isang rehabilitation center ng mga bata? Hindi teenager ha, mga bata!

“Mga bata, ha!”


Sa tingin ba ni Victor ay may solusyon pa ang drug problem ng Pilipinas?

“You know, the drug problem like in any other third world country is always poverty, but still it’s not an excuse, di ba? 

The end does not justify the means, di ba?

“Kasi pag nilinis mo ang isang bagay, kailangan sunud-sunod. Hindi lang yung kumbaga, hindi ka naman maglilinis ng isang kuwarto lang. Kailangan lahat kundi dudumi rin yun, madudumihan din.”

Ang nakikita niyang solusyon.

“The only solution is to continue fighting. Kasi masyadong malaking industriya siya, billion dollar business. Hindi ganun-ganun lang. Kahit nga Amerika hindi nila kaya ang ano e, tayo pa?

“Even the first world countries who have… na napakalaki na ng budget nila, ha? 

“Bilyun-bilyong pesos na ang budget nila pero hindi nila masu-solve, di ba?

‘”Ang kailangan lang is parang, ang drugs is just like any other crime, so anti-crime.

“Dapat alam ng mga pusher o mga kriminal na merong batas, merong mga law enforcer.

“Kaya sila yung dapat nag-iisip kung paano, hindi tayo dapat ang nag-iisip kung paano sila anuhin, kuha mo yun?

“Sila kasi yung masama, sila yung tumatakbo, tayo yung humahabol. Di ba? Hindi baligtad.”

Samantala, pagbibidahan ni Victor (bilang si Inggo) ang Magpakailanman na episode na Karma ng Ama ngayong Sabado ng gabi, March 28, sa GMA.

Kilala si Inggo bilang isang notorious na pulis. Kinatatakutan siya hindi lang sa mundo ng mga kriminal kundi maging sa kanyang sariling komunidad.

Bagama’t marami siyang pagkukulang bilang asawa, sinisikap naman niyang maging isang mabuting ama. 

Kung kaya’t iniidolo siya at pinangarap ng kanyang paboritong anak na si Gary na sundan ang kanyang yapak bilang isang alagad ng batas.

Ngunit nang maging isang ganap na pulis si Gary, isang malagim na trahedya ang magaganap.

May puwang kaya sa puso ni Inggo ang pagpapatawad kung ang kanyang sariling anak ang siningil ng kanyang karma?

Kasama rin sina Tina Paner, Kelvin Miranda, Alchris Galura at Faye Lorenzo.

Sa direksyon ni Rechie del Carmen, mula sa panulat ni John Roque at pananaliksik ni Loi Argel Nova.

Leave a comment