May 21, 2025
Viewers praise Judy Ann, Lorna, Chanda in ‘Espantaho’
Latest Articles Movies

Viewers praise Judy Ann, Lorna, Chanda in ‘Espantaho’

Dec 26, 2024

Masaya kaming naimbitahan sa premiere night ng Espantaho na pinagbibidahan ng Prime Superstar na si Judy Ann Santos sa SM Megamall cinema.

Ramdam namin ang importansya at alaga sa entertainment press, mula sa early dinner at Max’s restaurant na halos di namin maubos ang pagkain sa aming plato, dahil sa dami, habang magiliw naming ka-chikahan ang lady producer na si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films, hanggang sa papasukin na kami sa loob ng sinehan at paupuin sa first row seats ng balcony area kung saan isang row lang ang pagitan namin sa mga artista.

Very organized, hindi magulo, until the end, kaya dahil d’yan pa lang, kudos to team Espantaho na co-produced din ng Cineko Productions at Purple Bunny ni Juday!

Walang kupas pa rin sa galing umarte ni Juday! Walang labis, walang kulang! Saktong-sakto o tamang-tama sa hinihingi ng kanyang character sa bawat eksena ang ibinigay na pagganap ng aktres.

Iba rin talaga ang charisma at dating ng mukha ni Juday, mapa-TV man, pictures, lalo na sa big screen, kahit natural makeup lang. 

Palagi ko ngang sinasabi sa mga friendship ko, nagta-transform talaga nang bonggang-bongga ang beauty ni Juday ‘pag all madeup and glammed-up! Artistang-artista! Alam mong big star! May nag-chika rin sa akin na ang ganda raw ni Juday sa personal nang makita nila sa Rustan’s Makati ng walang makeup.

Ramdam pa rin sa grand-slam best actress na si Lorna Tolentino ang husay n’ya sa pag-arte, seryoso linya man o may sundot na punchline! 

Hindi ko na idedetalye pa kung ano ang role n’ya rito para hindi ma-preempt at para panoorin n’yo na lang sa mga sinehan.

Basta, interesting at naluha ako sa huling eksena n’ya with Juday! Mabuti rin na tinaggap ni LT ang role n’ya rito, dahil bagay sa kanya at may naalala tuloy akong isang classic film n’ya sa isang eksena.

Isa pang napakahusay sa horror movie na ito ay ang beteranang actress din na si Chanda Romero! I heard, second choice lang si Chanda para sa kanyang role na una raw inalok kay Charos Santos. Nonetheless, Chanda gave justice to it effortlessly! She deserves to shine in this quality and must-see film na obra ng multi-awarded at  master-director na si Chito Roño!

Pakaganda mga shot! At kahit, di kahabaan ang mga role ng iba pang mga artista, tulad nina Janice de Belen, Tommy Abuel, Mon Confiado, JC Santos, Nikko Antonio, Donna Caragay, at Eugene Domingo, ang gagalIng din! Hindi rin nagpahuli sa aktingan ang baguhang child actor na anak nina JC at Juday!

Pang-11th Metro Manila Film Festival entry na pala ng Quantum Films ang Espantaho, ayon kay Atty. Joji, sa loob ng 20 years na pagpo-produce n’ya! May mga kumita raw, merong break-even, meron din daw na hindi, pero s’yempre, laban pa rin para sa industriya ng pelikulang Pilipino!

Twenty-two shooting days daw inabot ang Espantaho na kinunan somewhere in Batangas at sa Mexico, Pampanga. May isang shooting day daw sila na bukod-tanging sa Mexico, Pampanga lang ang hindi inulan, kahit bumabagyo na raw sa mga katabing bayan at lugar!

At wala rin daw s’yang naging problema sa mga artista n’ya. Lorna would come prepared, while Chanda would come on the set at 7am, kahit 9am pa ang call time! Pangalawang beses naman daw n’ya nakatrabaho na si Juday. Ang una ay sa Ang Dalawang Mrs. Reyes movie with Angelica Panganiban in 2018.

At kahit first time daw nila ni Direk Chito magkatrabaho, hindi naman sila nag-clash. Kung meron man daw na requirement si direk para sa mga kukunang eksena, naiintindihan ni Atty. Joji bilang producer na kailangan ngang gawin.

Buti na lang daw, nasa probinsya ang location nila, kaya nung kailangan ng kambing sa isang scene, nagpahanap daw s’ya agad. Maging ‘yung kailangan sa may nagaganap na reception ng bagong kasal sa isang restaurant, habang kumakain sina Juday ay naunawaan n’ya kung bakit kinailangan sa eksena.

Matapos mag-aral ng abogasya at the age of 24 ay naging host ng isang TV show si Atty. Joji titled The Legal Forum sa channel 11 daw on free TV a long time ago bago s’ya naging host din ng The Police Hour on RPN 9. Dalawa sa apat na anak ni Atty. Joji ay sumunod sa kanyang mga yapak bilang mga abogado. Her daughter works at her law firm na nasa litigation at humawak daw sa kaso ni Catriana Gray na libel case laban sa ibang showbiz writers at naipanalo ito, habang ang lalaking anak n’yang abogado rin ay humahawak sa mga drug case sa Mandaluyong City hall.

Nagbigay suporta sa special advanced screening ng Espantaho ang asawa ni Juday na si Ryan Agoncillo, mommy Carol Santos at ate n’yang si Jack, Malou Choa-Fagar, gano’n din ang mag-asawang beauty doctors to the stars na sina Drs. Aivee and Z Teo, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Leave a comment