
Vilma Santos leads BarakoFest
Pinangunahan ng Star For All Seasons na si Ms. Vilma Santos at iba pang local officials ng lalawigan ng Batangas ang pagbubukas ng BarakoFest 2024 last Thursday, March 14.
Ngayong araw ng Sabado, March 16 magtatapos ang annual festival na ito.
Sa panayam ng media sa multi-awarded veteran actress, ipinagmalaki niya ang lalawigang ilang dekada na niyang pinagsisilbihan bilang public servant at private citizen.
Pahayag niya, “Barako started with barako coffee, na known talaga iyan sa Batangas, kapag sinabing barako coffee. Pero ito, pinalawak lang namin nang pinalawak, hanggang sa isinusunod din namin sa panahon.
“Kaya ang dami naming in-inject na activities pa to get the new blood, ‘yung mga bagong dugo na, ‘yung mga kabataan.
“At the same time, sa 3-day affair na ito, puwede mong i-deliver yung message about ano ang importansiya ng barako, ano ang message namin… it’s more on tourism… Ipakilala kung gaano ka-resilient, masipag, amiable, ang mga personalidad ng Batangueno, once ma-experience nila na pumunta rito sa lalawigan namin.”
Nabanggit din ni Ate Vi na sobrang favorite niya ang kapeng barako.
Pahayag ng mahusay na aktres, “Oh yes, yung talagang puro… Ako kasi, even the time when I tried yung barako, yung doon pa sa isang barangay, yung talagang niluluto pa sa kaldero. Na iinumin mo talaga, walang mga asukal at gatas, ibang klase talaga.
“And I think, that’s the healthy, iyong healthy na coffee. Yeah, sumusuporta talaga kami sa totoo lang, sa barako coffee.”

Present din sa naturang panayam si Ryan Christian Santos Recto at Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Tinatayang higit 200,000 ang nakiisa at makikiisa pa sa event na ito, na magtatapos ngayong Sabado.
Tampok din sa event ang Art fest, Trade fest, Play fest, Food fest, Drift fest, Content creator fest, E-sports fest, Dirt fest, Car fest, Sports fest, Battle of the bands, at Music fest.
Sa second day nito ay present si Sec. Ralph G. Recto and sila ni Ms. Vilma ay nagpahayag ng enthusiasm sa annual festival na ito.
“BarakoFest is not just a celebration of our Barako spirit but also a showcase of hard work, ingenuity, entrepreneurship, and passion of our people in Batangas. We are excited to share our culture, traditions, and indomitable Barako spirit with the world.”
Kahapon din naganap ang isa sa highlights ng BarakoFest sa concert na ginawa sa venue sa Lipa City. Ito ay pinangunahan nina Vice Ganda at JK Labajo at talagang hindi mahulugan-karayom ang dami ng taong nakisaya rito.
Ang BarakoFest 2024 ay hatid ng Talino at Puso Team, organized by Mentorque Productions ni Bryan Diamante in partnership with San Miguel Corporation and Angkas and supported by various local businesses and stakeholders.
For more information about the festival, including a detailed schedule of events and accommodation options, please visit us at BarakoFest Facebook page.