
Vin Abrenica never gets jealous on Ahron Villena and girlfriend Sophie Albert on Wattpad series ‘Cupid’s Fools’
Ahron Villena at Sophie Albert on “Cupid’s Fools” ang opening salvo para sa love month ng February para sa TV5’s Wattpad series.
As far as Sophie Albert’s career is concerned, hindi nakikialam si Kapatid hunk actor Vin Abrenica sa kanyang girlfriend.
Aware ka ba na may kissing scene sina Sophie Albert at Ahron Villena sa kanilang bagong Wattpad series?
“Hindi naman kasi ako nagtatanong sa kanya. I trust her that much and I know, in a relationship, importante iyong “trust” ninyo sa isa’t isa”.
Hindi ba siya kinunsulta ng kaibigan mong si Ahron tungkol dito?
“Kilala ko si Ahron. Nagkasama na kami sa ‘Wattpad Presents Fake Fiancé’. I think, hindi na kailangan dahil trabaho lamang iyon”, paliwanag ni Vin . “Besides, never naman na nag-impose ako kay Sophie,” pahabol niya.
Hindi ka ba nagselos nang makita mo ang rushes ng kissing scene nila ni Ahron?
“Actually, mas grabe pa nga iyong ginawa niya sa #Y. Nasa dubbing room ako noon nang mapanood ko siya but never na pinagbawalan ko siya o nagselos ako dahil kahit siya naman, hindi siya nakikialam sa trabaho ko”, paliwanag ni Vin.
Going strong ang relationship ninyo ni Sophie. Paano ninyo nare-retain ang spark, magic o even kilig factor sa inyong relasyon?
“I’m just being the best person that I am. Not trying too hard. Naroon iyong effort but it just comes out naturally. Old school kasi ako at importante na alam mo kung ano ang kaya mong gawin o isakripisyo para sa kanya,” malamang pahayag ni Vin.
Sina Vin Abrenica at Yassi Pressman ay tampok sa Wattpad presents “My Fiance Since Birth” na mapapanood na mula March 9 hanggang 13 sa TV5. Tinanong ng Philipine Showbiz Republic (PSR) si Vin na kung hindi pa sya committed at pakikiligin niya si Yassi Pressman na leading lady niya sa ‘Wattpad presents My Fiancé since Birth’, na kung anong gagawin niya?
“Para sa akin, chemistry naman comes out naturally. Hindi naman maitatago iyon. Since mas gusto kong sinosorpresa ang girl, siguro I’ll just surprise her. In our case naman kasi, kilala na namin ang isa’t-isa kaya kumportable na kami in working together”.
May daring scenes ka raw sa theatre debut mo na ‘Juego de Peligro’, ang Filipino adaptation ng Dangerous Liaisons?
“Oo. First time kung mag-stage and it’s a different medium. I play the boy toy of Shamaine Centenera Buencamino. Required sa akin to show some skin. Kaya nga, nag-e-effort ako na pagandahin pa ang katawan ko by going to the gym”, pagwawakas ni Vin.
Follow me…