May 24, 2025
Vin Abrenica talks about the status of  his contract with TV5
Latest Articles Movies T.V.

Vin Abrenica talks about the status of his contract with TV5

Jul 16, 2015

arseni@liao

By Archie Liao

BB Vin Abrenica 002-K75Naging isyu noon ang paglalabas ng saloobin ni Vin Abrenica na may tampo siya sa TV5 dahil sa mabagal na pag-usad ng kanyang career sa nasabing network. Pagkatapos ng unang interview sa kanya ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), muli namin siyang nakapanayam sa grand launch ng “Lola Basyang.com.”

Ano na ang status ng kontrata mo sa TV5?

“May assessment kami this July. We’re going to sit down with my manager together with TV5 management and I’m looking forward to that assessment. Then from there, we’re going to decide what will be our next step.”

What do you expect to be the outcome of this assessment?

“I don’t know. I’m not thinking about it right now. I’ll just think about it pagkatapos ng assessment.”

Naiparating mo na ba ang tampo mo sa TV5?

“Yes. Very vocal naman ako with what I feel. Lahat naman, nasasabi ko. They like naman na open ako. I believe that the key naman to everything is communication.”

Naging isyu noon ang unang pagbibida ni Mark Neumann sa grand teleserye na “Baker King” considering na runner up mo lang siya at ikaw ang grand champion sa Artista Academy, nag-e-expect ka ba na ila-launch ka rin ng TV5 sa isang malaking project tulad ng “Baker King”?

“Yes. I’m getting offers. Besides, happy naman ako dahil may mga new shows ako at may mga production numbers ako every week sa “Happy Truck ng Bayan.”

6d42ab30-4530-11e4-a168-09ad01c88a26_IMG_1845

Ibinida rin ni Vin na may MMFF entry siyang “Hermano Pule” kung saan kasama niya ang kuya niyang si Aljur Abrenica.

“It’s a dream come true for me. Talagang pangarap kong makasama si utol [Aljur] kaya very happy ako at inspired akong gawin ang project na ito,” pagmamalaki pa niya.

Napabalita noon na may balak magpa-release ni Sophie sa TV5 at mag-ober da bakod sa ibang network. May alam ka ba rito?

“Wala naman siyang nababanggit sa akin,” tugon niya.

Kung sakali bang mag-decide siya [Sophie] na iwan ang TV5, susundan mo siya?

“Di pa naman kami mag-asawa. Para sa akin, kung ano ang desisyon niya, igagalang ko. Sinusuportahan naman namin ang isa’t-isa pero walang sakalan.”

Bukod sa “Hermano Pule,” nakatakda ring mag-workshop ni Vin para sa isang mahalagang papel sa pelikulang “Mirador” ni Loy Arcenas na entry sa 2015 Cinemaone Originals. Mapapanood din si Vin sa ikalawang episode ng Lola Basyang.Com na “Ang Plawtin ni Periking” kung saan ginagampanan niya ang papel ng Periking.

Ang Lola Basyang.com na nagtatampok kay Boots Anson Roa-Rodrigo bilang Lola B. ay produksyon ng Idea First Productions nina Perci Intalan at Jun Lana sa pakikipagtulungan ng TV5.

Leave a comment

Leave a Reply