May 22, 2025
“Voice is not the sole criterion nowadays, it has to be a complete package. That includes my physique.” – Gerald Santos
Latest Articles

“Voice is not the sole criterion nowadays, it has to be a complete package. That includes my physique.” – Gerald Santos

Feb 1, 2015

mildred@bacud

 

 

 

by Mildred Amistad Bacud

GeraldKahapon, January 30 ay humarap sa piling press people kabilang na ang Philippine Showbiz Republic (PSR) si Gerald Santos para sa promo ng upcoming Valentine concert niya sa February 13 and 14 sa Discovery Suites na produced ng Showbiz Mansion Entertainment, entitled “ Gerald Santos, All of Me,” ay magbabalik standard songs daw ang singer.

Kakaibang Gerald naman ang nakita namin ng ipakita sa amin ang Music Video nito na kapareha si Danita Paner. Malaki na nga ang ginanda ng katawan ng singer na aniya ay pinaghirapan niyang mabuti dahil three to four times a week ang kanyang pagwo-work out kaya naman na-achieve niya ang maganda nitong abs ngayon.

Medyo nagpapa-sexy na nga si Gerald at kita ito sa kanyang album. Bahagi raw ito ng pag-level up pa niya as a singer.

“ Sa 4th album ko, it’s an all original album, “Gerald Santos, Kahit Anong Mangyari,’  Yung MTV na ito, ‘Sa’yo Lang,’ yung magiging carrier ng album, so medyo daring siya, medyo sexy.

“Medyo daring lang kasi ongoing pa rin kasi yung Pedro Calungsod na musical, alalay pa rin kami, tinitimpla pa rin namin.”

Bakit parang mas mapangahas siya ngayon?

“Gusto ko kasi i-take seriously na ako ng audience hindi lang sa music ako naggo-grow, physically nakikita rin nila. Alam naman natin ngayon na hindi lamang naman boses ang labanan, pati dapat katawan, complete package ka. Career move din.”

Sa tingin ba niya ay makakatulong ito sa career niya?

“Tingin ko po makakatulong. Ngayon lang po alam ko na iba na rin yung tingin ng mga tao sa akin, mag-iiba rin talaga ang tingin once na nagpakita ka ng skin, mas maraming mag-aadmire sa’yo, magdi-desire sa’yo.”

Proud po ako sa album ko. Ten original songs. Mga hitmakers ang composers ko dito. Wala po akong doubt na makaka-hit po ako dito, maganda para maka-create din ako ng sarili kong signature songs.”

May mga artists o singers na nadi-depress sa careers nila kapag walang regular shows, walang contract to the point na yung iba nagki-quit pa nga. Matagal na rin walang mother network si Gerald, hindi ba siya umabot sa puntong na-depress o nagbalak siyang mag-quit na lang?

“Nalulungkot lang pero hindi naman ako dumating sa point na na-depress. Nalungkot ako nung umalis ako sa network (GMA) pero for a short time lang. Na-overwhelm ako sa dami ng bumuhos na blessings, mga producers na gusto ako i-produce ng album and concerts so ano pa ang dahilan ko para maging malungkot. Proud ako na kahit wala akong TV network, may concerts, album pa rin ako, shows at events.”

Sa tingin ba niya kung hindi siya umalis sa GMA 7 ay mas umalagwa ang career niya?

“Of course hindi naman po ako magpapakaplastik para sabihin na mas okey ako kung wala akong network. Mas nag-boom siguro ang career ko kung may TV but may certain things kasi akong nagagawa na kapag nasa network ka hindi mo pwedeng gawin like yung sa album, at least may choice ako kung sino ang gusto kong kunin unlike ‘pag nasa network ka, sila yung magbibigay kung sino lang ibigay o itoka sayo.

Sa shows din very limited ka rin,  Kung ano lang din ang ibigay sayo pati raket sa labas. May advantage at disadvantages pero okey naman ang may network.

Nagsisisi ba siya na nilayasan niya ang Kapuso network?

“Hindi naman po kasi ‘pag alis ko naman, napunta naman ako sa TV 5 so nakaikot naman ako, nakapag-explore naman ako. Naranasan kong maging freelancer. Hindi ka nakakontrata, may freedom ka. Masarap din ang pakiramdam. Yung artistry ko, mas naipapahayag ko sa mga songs, kung sino ang mga gusto kong makatrabaho. Sa trabaho, may freehand ako para makapag-suggest.

Sabi ko I’m just waiting for the big break.”

Leave a comment

Leave a Reply