
Walang Tulugan with Master Showman is undeniably affected on the absence of Kuya Germs; 20 out of 60 disjuncted
Pinatotohanan ni Jake Vargas na nabawasan sila sa “Master Showman” dahil sa pagkakasakit ni Kuya Germs. Nasa 40 na lang daw sila ngayon sa show, mga 20 ang natsugi. Pero, the show must go on kahit ganoon ang nangyayari habang nagpapalakas si Kuya Germs.
“Siyempre, nakakaawa, eh ‘yung iba ang gusto lang naman exposure sa TV, gusto nilang sumikat kaya ako kapag nandoon ako sa “Walang Tulugan,” hinahayaan ko lang sila para magkaroon ng exposure kahit papaano…eh, ako matagal na rin naman ako sa’Walang Tulugan,’ bulalas ng guwapong young actor nang makatsikahan siya sa presscon ng pelikulang “Liwanag Sa Dilim” under APT Entertainment.
Napansin din ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ang kapansin-pansing mark sa leeg ni Jake na hindi namin naiwasang itanong kung ano ito.
“Hindi kiss mark ‘yan, na-allergy ako. Bawal kasi sa akin ang malalansa,” paglilinaw niya.
Mukhang nagsasabi naman ng totoo si Jake dahil may marka ng allergy paakyat hanggang tenga at pagaling na.
Paano na ang tattoo ni Jake Vargas na nakalagay ang pangalan ni Bea. ey ni Jake inaayos nila ang pinagdadaanan nila.
“Maaayos din naman po. Bandang huli ay maayos din ‘yan,” deklara ni Jake.
Ano ba ang madalas nilang pag-awayan ni Bea?
“Mababaw lang naman…kasi kami parehong mataas ang pride kaya konting ganoon lang, parang ang laki-laki na sa amin,” aniya.
Sino ang gumagawa ng first move para magkabati sila?
“Siyempre, lalaki naman lagi ang nauuna,” aniya.
Matagal ding nakasagot si Jake kung ‘yung sinasabi nila ni Bea na ‘okey kami’ ay nag-uusap sila, may communication sila.
“Nakaka-text ko siya,” simpleng sagot niya na kung saan ay magta-tatlong taon na rin ang relasyon nila.
Anyway, showing na sa February 11 ang “Liwanag Sa Dilim” na kung saan ay kasama niya sina Bea Binene, Igi Boy Flores, Rico Blanco, Sunshine Cruz, Dante Rivero, Freddie Webb, Julian Trono at Sarah Lahbati. Ito ay sa direksyon ni Richard Somes.
Follow me…
Roldan Castro
@roldanfcastro
/roldanfcastro