
“I wanted to work with Coco Martin before I get married, it’s part of my bucketlist.” – Toni Gonzaga
Noong kina-conceptualize pa lang ang pelikulang “You’re My Boss”, may mga nagsasabing hindi bagay ang tambalang Coco Martin-Toni Gonzaga dahil wala silang spark o chemistry.
Pero, iba naman ang paniniwala ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga. “Naniniwala akong iyong mga inaakala nating hindi bagay sa simula will end up na sila pala minsan ang “meant to be”. Even sa mga true to life relationships, may mga taong akala mo hindi bagay, pero masusorpresa na lang tayo minsan na sila pala ang nagkakatuluyan. Kaya ako, naniniwala akong may chemistry kami ni Coco”, pahayag ni Toni.
Ayon pa kay Toni, siya mismo ang nag-pitch ng concept ng “You’re My Boss” sa Star Cinema kung saan personal choice niyang maging leading man si Coco.
“There was a time kasi na nag-uusap kami ni Alex, iyong sister ko na kung sino pa ang hindi ko nakakatrabaho. Napag-usapan namin si Coco. Nag-dare siya na malabo kong makatrabaho ang tinaguriang ‘primetime king’. So sabi ko, I wanted to work with Coco before I get married, kasama siya sa aking bucketlist. I took it as a challenge, kaya nag-pitch ako ng concept sa Star Cinema. It’s about role reversal na “cute” ang concept para sa akin”, paliwanag ni Toni.
How would you rate Coco as a romantic comedy actor compared sa mga dating nakatrabaho mo na?
“Ang gusto ko kasi kay Coco, very eager siyang matuto. Hindi siya natatakot to try out new and challenging roles na hindi pa niya nagagawa. Makikita mo kay Coco na lagi siyang nagpapaiyak, iyong seryosong side niya, pero ang totoo niyan, meron rin siyang comic side na kailangan lang ma-develop ”, pagkukumpisal ni Toni.
Ano naman ang natutunan mo sa pakikipagtrabaho sa prime time king at Urian award winning actor?
“Hirap kasi akong umiyak dahil wala akong gaanong paghuhugutan. Pinalaki kasi kami ng mga parents namin na hindi umiiyak, iyon bang kailangang tough ka to endure pain. Kung may natutunan man ako kay Coco, iyon ay kung paano mag-reciprocate sa mga eksena namin”.
Ano ang quality trait na nagustuhan mo kay Coco bilang leading man?
“Iyong authenticity niya. Napaka-genuine niyang tao. Buo iyong core niya. Hindi siya molded to be a mediocre… and I think that’s the best part of working with him”.
Ang “You’re My Boss” ay nakasentro sa kuwento ng isang top-level executive at ng isang messenger.
Sa proseso, mapipilitan silang magpalit ng posisyon sa kumpanyang pinagtratrabahuhan upang masara nila ang isang napakalaking business deal.
Ang “You’re My Boss” ay mula sa direksyon ng breakout romantic comedy director ng highest grossing indie film of all time na “That Thing Called Tadhana” na si Antoinette Jadaone.
Hitik sa kilig overload at “hugot” lines ang “You’re My Boss” na hatid ng Star Cinema.
Mapapanood sa lahat ng sinehan sa buong kapuluaan simula sa Abril 4.
Follow me…