May 25, 2025
“We’ve failed as husband and wife. We are trying not to fail as parents now.” – Claudine Barretto
Latest Articles

“We’ve failed as husband and wife. We are trying not to fail as parents now.” – Claudine Barretto

Mar 31, 2015

mildred@bacud
by Mildred Amistad Bacud

Una ng lumabas sa mga balitang babalik na sa showbiz si Claudine Barretto. Kinumpirma na nga ito ng aktres at babalik na nga siya sa Star Cinema. Gagawa siya ng movie under the helm of her bestfriend and mentor, director Wenn Deramas. Handa na nga ang aktres dahil sa interview niya sa “The Buzz” kahapon, mapapansin na malaki na ang ipinayat niya at maganda na ang kanyang aura. Ito marahil ay dahil sa positibong nangyayari sa kanyang buhay tulad na lamang ng pagkakaayos nila ng estranged husband na si Raymart Santiago. Patunay dito ang mga photos nila sa Instagram kasama ang mga anak na sina Santino at Sabina sa isang event.

claudinebarretto

Sabi ni Claudine, “I actually talked to Raymart. Napag-usapan namin na sana let’s not talk about each other anymore. Let’s not accept questions regarding each other kung hindi maganda ‘yung sasabihin natin. We are trying to be good parents for the kids. We failed as husband and wife, we are trying to not fail as parents now.”

“My daughter, she had ‘yung fun run. As family, we attended. We are very civil. We are talking.”

Isa pa sa ibinahagi ni Claudine sa interview niya sa “The Buzz” ay ang kuwento ng pagkikita muli nila ng ate na si Marjorie at mga pamangkin sa nakaraang debut ni Julia.

Kuwento ng actress ang imbitasyon ay nanggaling mismo sa pamangkin through a call from Star Magic’s Mariole Alberto. Hindi na nga raw siya nakatanggi.

“Napa-stop lang ako sandali. Biglang I just blurted out, ‘Of course.’ And then I was thinking kung sinong gagawa ng gown na ganito kabilis. I was like, paano kaya mangyayari ‘yun? And then she said, ‘Can you promise me, mama?’ And I said, ‘I promise Julia I’ll be there,” sabi pa ng aktres.

Ang pamangkin na si Claudia daw ang una niyang nakita sa debut. Nagyakapan sila pero mas naging emosyonal daw siya sa encounter nila ng isa pang pamangkin na si Daniela (ang panganay ni Marjorie na anak niya kay Kier Legaspi).

“When I was on my way back to my room na, nung palabas ako ng ballroom, somebody hugged me. Nagulat ako nung nakita ko si Dani. I saw her kasi go around and she was there. Siguro hindi niya lang alam kung paano ako pupuntahan. She didn’t say anything. She just hugged me really tight. Doon, naiyak na talaga ako. Kasi parang nasaktan talaga ako.”

Matatandaang last year of June ay nagpa-interview si Dani (Daniella) at nagsalita ng masasakit laban sa tiyahin. Bagay na ikinasama ng loob ni Claudine.

“Masama ang loob ko after her interview. Malaki ang tampo ko. But then I always say na, ‘I feel this way because I love her so much. I just asked her why.’ And I said, ‘Don’t let anybody make you think even for one second na hindi ko kayo mahal, na hindi kita mahal Dani, kasi mahal na mahal kita.’ Siguro naghihintay lang ako ng apology.”

Nang tanungin kung humingi ba ng tawad ang pamangkin, sabi ng aktres ay hindi pa raw pero naiintindihan niya dahil marahil ay hindi naman daw right venue yun para pag-usapan ang tungkol dun.

Sa pagkikita rin ng magkapatid matapos ang ilang taon sa nasabing okasyon ay pinapalagay ng marami na nagkabati na sila.

“I don’t know kung saan kami ni Marjorie. Sa relationship namin ngayon, I think we are safe to say we are civil.”

100213_marjorie-claudiine

Kuwento pa niya, “Sa debut ni Julia, kinausap namin ‘yung other staff na lalapit ako sa ate ko. Tiniming ko na sa padulo na talaga. Nagbeso ako tapos sabi niya, ‘Thank you for coming. It means so much to Julia and to me.’ And then I said, ‘Thank you for inviting me.’ Kapag dumadaan siya sa likod ko, she’d ask me, ‘Did you eat na? What do you want to drink?’ Nakikita ko ‘yung pagka-ate niya ulit.”
Hindi pa raw masabi ng aktres kung ano na ang sitwasyon nilang magkapatid pero sabi niya kinabukasan ng debut ni Julia ay nagsalo silang kumain sa isang breakfast.

julia-claudine

“Parang natatakot akong mag-dive in kasi baka maulit, baka mawala ulit.”

Follow me…

social  networkingMildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud

Leave a comment

Leave a Reply