May 24, 2025
What is Alden Richard’s gift for himself and his family this Christmas?
Home Page Slider Latest Articles

What is Alden Richard’s gift for himself and his family this Christmas?

Dec 23, 2015

by PSR News Bureau

alden 3May bagong investment ang ‘Pambansang Bae’ na si Alden Richards. Malapit nang matapos ang five-bedroom house na kanyang ipinapatayo sa kanilang bayan sa Sta. Rosa, Laguna. Ang nabili niyang bahay ay malapit sa Nuvali at isang prime lot na maituturing. “Nakabili po ako ng bahay last month,” kuwento ni Alden sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph).

Matagal nang pangarap ni Alden na makabili ng bagong bahay para sa kanyang pamilya dahil hindi naman lingid sa lahat na ang lugar kung saan dating nakatira sina Alden sa Sta. Rosa ay binabaha. “I made sure na yung nakuha kong bahay, hindi na po binabaha. Nabili ko po siya ng gawa na yung bahay. Very cheap at saka maganda po yung deal.”

Mayroong mga three-hundred square meters yung laki nang bahay na nabili ni Alden. Pinaniniwalaang more than five million daw ito. Nag-alanganin ang guwapong binata nang matanong sa kanya kung gaano katotoo itong mga napabalita. “Less naman po, natawaran ko nang malaki, tapos ang maganda sa kanya, all-in po, kasama nap o ang lahat ng expenses. Kasi usually po, when you buy properties, shoulder ng buyer yung transfer tax, yung pag-transfer sa titulo ng pangalan, capital gains, documentary stamp etc. Pero dun sa nabili ko, kasama na po lahat,” pagmamalaki pa ng binata.

Hindi naman daw siya close sa dating may-ari ng bahay. “Tinanong ko nga po kung may artista nang tumingin dun. Wala naman daw po, ako lang daw.”

alden 2Ipina-renovate na ni Alden ang nabiling bahay at binabalak niya na sa buwan ng June sa taong 2016 ay makalipat na sila. Gaya ng ilang Filipino na nakapagpundar na ng sarili nilang bahay, masayang-masaya si Alden na nakikita na niya ang bunga ng kanyang pagod at puyat sa trabaho. Nasa proseso na rind aw ang paglilipat niya ng titulo ng bahay. “Masarap po yung feeling kasi alam ko po kung paano bahain yung bahay, na naghihintay ka na lang lumubog. Nag-usap kasi kami ng pamilya ko, napag-desisyunan namin na kay sa nagre-rent kami, mas maganda na medyo mahal ng konti yung bayarin pero ang importante, sa amin na yung bahay. At saka mas kampante na po kami na tumira sa isang lugar na hindi bahain. Yung Lolo at Lola ko naman, mas masaya po sila kasi mas malawak na po yung kanilang galawan.”

Ang naturang bagong bahay ang magsisilbing Christmas gift ni Alden sa kanyang pamilya ngayong kapaskuhan. Ito rin ang birthday gift at anniversary gift ni Alden sa kanyang sarili.

Si Alden kasi ang tipon ng taong basta’t masaya ang kanyang pamilya, ang mga taong mahal niya ay nagiging masaya na rin alden 1siya. Apat na taon na rin naman si Alden sa industriya nang showbiz. Dahil sa kanyang bagong bahay ay lalong naging inspiradong magtrabaho at ganado si Alden sa lahat ng proyekto na mayroon siya kahit pa literal na siya ang maituturing na ‘lalaking walang pahinga’ dahil kaliwa’t kanan ang kanyang mga ginagawa. Ang maganda kay Alden, hindi ito nagrereklamo, hindi tulad ng ibang artistang sumikat na tulad niya.

“Naiintindihan ko po na hindi lahat ng artista ay nabibigyan ng pagkakataon na gaya ng anumang tinatamasa ko ngayon. Kaya sabi nga nila, ‘strike while the iron is hot.’ At saka mas mabuting maging down-to-earth kasi siyempre minahal naman po ako ng mga tao kung ano ako dati. So kung ano ang pagkakakilala nila sa akin, wala pong dapat magbago doon,” pakli ni Alden.

Ang maganda pa kay Alden, kung ang ibang artista ay mas ginugustong mamuhay ng mag-isa sa isang condo unit, mas pinipili nito na makasama ang buo niyang pamilya sa Laguna. Katwiran niya, “Mayroon din naman po akong tinirihan na condo sa Eastwood, pero kumbaga, sa akin at sa pinsan kong babae. Sa amin na po yun, hati po kami. Pero bihirang-bihira ko pong uwian dahil wala pong mas okay sa ‘home sweet home’ sa piling ng buong pamilya ko,” pagtatapos ni Alden.

Leave a comment

Leave a Reply