May 23, 2025
“Whatever misunderstanding Lotlot (De Leon) and I had before, they’re all water under the bridge now. I haven’t seen Lotlot since I came home. But if ever we cross paths, I’d surely greet her.” – Tina Paner
Latest Articles

“Whatever misunderstanding Lotlot (De Leon) and I had before, they’re all water under the bridge now. I haven’t seen Lotlot since I came home. But if ever we cross paths, I’d surely greet her.” – Tina Paner

Apr 30, 2015

oghie@ignacio
by Oghie L. Ignacio

Nakilala si Tina Paner bilang singer at bilang mainstay noon sa programang ‘That’s Entertainment’ ng GMA 7. Tinanggap din ng tao ang loveteam nila ni Ramon “Monching” Guttierrez na na-link sa kanya at kalauna’y naging asawa ni Lotlot de Leon na nauwi rin sa paghihiwalay. Hanggang sa mapunta ang atensiyon ni Tina kay Cris Villanueva na nagkaroon din ng espesyal na bahagi sa kanyang puso. tina “Lahat naman yata ng mga kabataan dumaraan sa ganun,” nakangiting bungad ni Tina sa Philippine Showbiz Republic (PSR) sa press launch kamakailan ng kanilang afternoon prime series sa GMA 7 na ‘Healing Hearts’. “Natural lang ‘yung ganun. Pero sa akin, I have no regrets sa lahat ng mga nangyari before. Lalo na ngayong masaya na ako sa aking personal life at may 12 year old daughter na’ko,” sambit pa niya na ang tinutukoy ay si Shane na anak ni Tina sa Pinoy ding nakilala niya sa Barcelona, Spain kung saan napunta rin sa kanilang pagkakanya-kanya ang lahat. “Well, that’s life. Kapag talagang dinatnan ka ng matinding pagsubok sa buhay, you should accept it whether you like it or not. Masakit man o hindi, kailangang tanggapin at mag-move on ka. Kaya heto ako ngayon, kahit papano naka-survive na sa mga trials and I’m happy that I’m back here in showbiz,” tuluy-tuloy pang sabi sa Philippine Showbiz Republic (PSR) ng comebacking singer/actress. Sa aura niya ngayon, imbes na magmukhang matured ay mas bumata pa ang mukha nitong si Tina kaya puwedeng-puwede pa siyang makapag-asawang muli na siyang inusisa ng Philippine Showbiz Republic (PSR) kung may plano ba siyang tumibok ang kanyang puso sa panibagong lalaking magmamahal sa kanya. “Actually, mabait talaga ‘yung anak ko, si Shane. Gusto niya magka-boyfriend na ‘ko para maging happy raw ako. Sabi ko naman sa kanya, masaya ako na siya ang kasama ko. Kaya lang iba pa rin daw ‘yung may makakatuwang ako sa buhay namin. Ganu’n ang utak niya. Talagang iba na ang mga nasa isip ng mga kabataan ngayon, mas madali silang mag-mature. Kaya lang hindi naman hinahanap ‘yun e. Kusang darating lang ‘yun,” aniya pa. “Kung sinuman ‘yung guy na darating sa akin dapat ano, tanggap niya ang anak ko. Mamahalin niya ‘yun ng totoo bilang tunay na anak. Kung hindi niya magagawa or hindi niya kayang gawin ang ganun, siguro it’s better na huwag na lang. Ayoko ng mag-asawa ulit. Masaya naman kami ng anak ko ‘e,” lahad pa rin niya sa Philippine Showbiz Republic (PSR). Huling hirit na tanong naming kay Tina kung okay na ba sila ni Lotlot de Leon matapos ang intriga’t kontrobersiyang kinasangkutan nila noon dahil kay Monching. “Sa akin, wala na ‘yun. Ang tagal na nun. Kinalimutan ko na ‘yun. Ako naman kasi, hindi ako nabubuhay sa nakaraan. Tapos na ‘yun ‘e. Hindi pa kami nagkikita ni Balot (Lotlot). Basta for me, magiging civil naman ako once na magkasalubong o magkita kaming dalawa. Babatiin ko siya,” sabi pa nito sa amin. Balik sa kanyang acting career itong si Tina na lumalabas sa ‘Once Upon A Kiss’ at ngayo’y mapapanood sa mas mapanghamong papel sa ‘Healing Hearts’ na siyang afternoon prime series ng Kapuso. Hangad ni Tina na sana’y magtuluy-tuloy ang magandang pagbabalik niya sa telebisyon at mabuhay muli ang “TRIPLETS” ang grupong na kinabibilangan din nina Manilyn Reynes & Sheryl Cruz.

Leave a comment

Leave a Reply