May 23, 2025
What’s new with Millennial Pop Princess?
Latest Articles

What’s new with Millennial Pop Princess?

Jan 13, 2021

Unang pagsabak sa pelikula ni Janah Zaplan ang proyektong Mamasapano na tinatampukan nina Edu Manzano, JC de Vera, Aljur Abrenica, Gerald Santos, at mula sa Borracho Film Productions ni Atty. Ferdie Topacio.

Matatandaang 44 na member ng SAF (Special Action Forces) ang nasawi matapos nilang magsagawa ng operation sa mga teroristang sina Zulkifli Abdhir (Marwan) at Abdul Basit Usman. Napatay dito si Marwan at nakatakas naman si Usman.

Ano ang reaksiyon niya na naging part siya ng isang mahalagang pelikula ukol sa kabayanihan ng SAF44?

Esplika ni Janah, “Siyempre po, it’s an honor for me to be part of that, even though I’m just a reporter na maliit yung role. But, small man o big ‘yung role, that’s what makes the movie complete.”

Lahad pa niya, “I’m happy, I’m grateful for the opportunity, sana po ay maulit.”

Hindi ba siya nag-alalang mag-shooting kahit may Covied 19 pa?

Tugon ng magandang dalaga, “Nag-swab naman po kaming lahat, so, I’m pretty sure na everyone is safe. And sumunod naman po kami sa protocol during shoots.”

Willing ba siyang i-pursue ang acting career?

“Well, Im really open to new opportunities such as this, pero Im taking it one step at at time. Kasi po at the moment, I’m also studying. So, medyo focus din po ako roon.

“So, unti-unti lang po muna, hindi yung biglaang entry sa showbiz,” tugon pa ni Janah na kasalukuyang nag-aaral sa Airlink ng kursong BS Major in Flying. 

Nagpahayag din ng pasasalamat si Janah kay Attorney Topacio at sa lahat ng mga tumutulong sa kanyang showbiz career.

Wika ni Janah, “Opo of course, of course, everyone… actually everyone who’ve given me this acknowledgement, like kayo po, yung mga media na tumutulong sa akin sa pag-angat dito sa industry na ‘to, is such a blessing and I am really thankful po na nandiyan kayo for me.”

Mula sa  pamamahala ni Direk Lawrence Fajardo, bahagi rin ng pelikula sina Rez Cortez, Juan Rodrigo, Allan Paule, Jojo Alejar, Kate Brios, LA Santos, PJ Abellana, at iba pa.

May mahalagang cameo role sa pelikula si Claudine Barretto.

Kung mabibigyan ng chance na magbida, sino ang gusto niyang maka-partner?

“Lagi ko pong sinasabi na sana ay si Joshua Garcia, kung kilig movie man iyan,” pabungisngis na saad niya habang kinikilig.

“Pero, Ms. Kathryn Bernardo is someone I look up to now and Mr. Daniel Padilla, I stan them so much and siguro po kung mabibigyan ng pagkakataon, yung mga veteran din po, because I know I’m gonna learn a lot from them.”

Kabilang sa mga veteran star na ito na wish niyang makatrabaho sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, at si Claudine Barretto.

Ano ang feeling na kahit pandemic ay humahakot pa rin siya ng award?

Nakangiting saad ng tinaguriang Millennial Pop Princess, “To be honest, I don’t know what to feel po. Kasi, this is my third time in Aliw, first is the New Female Recording Artist, then, sa dalawa pong sumunod, Best Female Pop Artist.

“Kaya overwhelming… hindi pa rin ako nagpe-prepare ng speech everytime I’ll go to Aliw. Kasi, hindi ko po talaga ine-expect,” pagtatapos ng young artist.

Leave a comment