
What is Pauleen Luna and Vic Sotto’s favorite bonding activity?
By: PSR News Bureau
Marami nang kababaihan ang nangarap na maging Mrs. Vic Sotto. Ngunit sa kanilang lahat ay isa lang ang magtatagumpay matapos ang unang naging kasal nito sa dating asawang si Dina Bonnevie at si Pauleen Luna na nga ito. Malaki man ang agwat ng edad nila bilang magnobyo at lumaon nga ay magiging mag-asawa na, pero hindi nila ito alintana. Ang mahalaga sa lahat ay nagkakasundo sila sa halos lahat ng bagay. Pero anu-ano ba ang common interests nina Pauleen at Vic?
1. Parehas na simple lang ang gusto sa buhay sina Pauleen at Vic. Miski si Pauleen, kahit pa sabihing may kaya naman at maalwan ang pamilyang pinagmulan nito, hindi siya mahilig sa marangyang mga bagay. Dito sila nagkakasundo ni Vic dahil parehas silang simpleng tao sa kabila ng pagiging may kaya nila sa buhay.
2. Pagiging homebody. Hindi parehong palalabas ng bahay sina Pauleen at Vic. Sapat na para sa kanilang dalawa na magkasama sila at nagkukuwentuhan lang. Hindi sila mahilig gumimik pero nage-enjoy silang mag-travel, both her and abroad.
3. Mahilig sa musika. Lingid sa kaalaman ng marami na mahilig sa musika maging si Pauleen. In fact, si Pauleen nga ang nag-encourage kay Bossing Vic upang tumugtog ng ukulele. Ang pagtugtog ng ukulele ay pinagtiyagaang aralin ng magkasintahan na ito. And dahil sobrang nage-enjoy sila sa pagtugtog ng ukelele kung kaya’t ito na ang isa sa mga naging paboritong bonding moments nila.
4. Iniingatan nila parehas ang kanilang privacy. Mula sa umpisa ng kanilang relasyon hanggang sa ilang detalye tungkol sa kanilang nalalapit na kasal ay nanatiling pribado at para lang sa ‘immediate family.’ Hanggang sa detalye kung saan sila maninirahan matapos ang kanilang kasal ay pribado rin. Ang alam lang ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ay mayroong silang ipinapatayong bahay sa isang eksklusibong village sa may bandang Laguna. Ayon sa mismong mga security guards doon, ang hiling daw nina Bossing at Poleng ay manatili ang kanilang pribadong buhay sa kabila ng kanilang pagiging celebrities kung kaya’t bawal daw ipasilip sa media o press ang magiging itsura ng kanilang ipinatatayong bahay na magsisilbing pugad ng kanilang pagmamahalan pagkatapos ng kanilang kasal.
Ilan lamang iyan sa mga dahilan kung bakit swak sa isa’t-isa sina Bossing at Pauleen. Mula sa amin sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), binabati na namin kayo sa nalalapit ninyong kasal!