May 22, 2025
Who’s the girl Miguel’s referring to— “True love waits”
Latest Articles

Who’s the girl Miguel’s referring to— “True love waits”

May 16, 2017

Masaya ang Kapuso teen actor na si Miguel Tanfelix na sa “Mulawin vs. Ravena,” ang sequel ng matagumpay na GMA fantaseryeng “Mulawin” noong 2004, ay kasama siyang muli.

“Honored ako kasi feeling ko nakatulong din ako sa bagong cast kasi pag may tanong sila tungkol sa experience ko sa fantaserye, ako iyong minsan ay tinatanong nila lalo na iyong hindi pa nakakalipad, dahil part ako noong original,” aniya.

Kumpara sa appearance niya noon bilang Pagaspas sa original, ang kuwago na nagbabago ng anyo at nagiging tao, iba na rin daw ang magiging journey ng kanyang character.

“Noon kasi, bata pa ako. Feeling ko, parang naglalaro lang ako. Ngayon, iba na dahil mas nafe-feel ko na na work ito dahil I really have to prepare sa costume preparation, sa mga fight scenes at pati na sa acting sa mga eksena, so talagang kakaiba na siya,” pahayag niya.

Ayon pa kay Miguel, mas pinamalaki ang role niya sa sequel.

“Iyong mga characters kasi, may mga back story sila. Iyong sa Mulawin, brief lang ang participation ko pero kasama ko pa rin si Lawiswis, played by Bianca pero dito kasama na ako sa main cast at may love angle pa,” paliwanag niya.

Matagal na rin ang love team nila ni Bianca Umali at through the years, lalo pa raw itong tumatatag.

Photo from Miguel's instagram account
Photo from Miguel’s instagram account

Nagkasama na sila sa mga teleseryeng “Nino,” “Once Upon a Kiss,” “Wish I May” at iba pang shows sa GMA.

Pero, ayon kay Miguel, wala pa siyang balak ligawan si Bianca.

“Hindi pa puwede, kasi hindi pa siya puwedeng ligawan. Next year pa lang siya mag-e-eighteen,” esplika niya.

Ayon pa kay Miguel, hindi raw naman siya naiinip kung sakali.

“True love waits,” ang nakakaintriga niyang pakli.

Tungkol naman sa isyu ng pagpapalit niya ng manager, nilinaw niya na walang bad blood sa kanila ng kanyang mentor-discoverer na si Direk Maryo J. delos Reyes.

“It was the choice of my parents. Sila pa rin naman ang gumagawa ng desisyon sa akin pagdating sa career, pero kay Direk Maryo, malaki ang pasasalamat at utang na loob ko dahil marami siyang nagawa at naitulong sa akin,” paliwanag niya. “Katunayan, nagdi-dinner pa nga kami minsan to discuss some projects,” pahabol niya.

Presently, Miguel is now under the management of GMA Artist Center.

Ang “Mulawin vs. Ravena” ay mapapanood na simula sa Mayo 22 sa Kapuso primetime block replacing “Encantadia.”

 

Leave a comment