
Who’s Vice Ganda’s answer to Coco-Vic team up?
Napili na ng Selection Committee ng Metro Manila Film Festival 2018, sa pangunguna ng head nito na si National Artist Bienvenido Lumbera, mula sa 24 submitted scripts ang unang apat na official entries.
Nung Biyernes, June 29, ginanap sa office ng MMDA ang official announcement ng apat na napiling pelikula.
Ang spokesperson ng MMFF na si Noel Ferrer ang nag-announce nito.
At ang mga mapalad na napili ay ang “Aurora,” mula sa Viva Films, sa direksyon ni Yam Larenas, na bida rito si Anne Curtis, “Fantastica: The Princess, the Prince and the Perya,” na pinagbibidahan ni Vice Ganda, mula sa ABS-CBN Productions Inc. & Viva Films, sa direksyon ni Barry Gonzales, “Girl In The Orange Dress,” mula sa Quantum Films/MJM Productions at sa direkyon ni Jay Abello, na pinangungunahan nina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Jericho Rosalaes, Sam Milby, Tom Rodriguez at Keith Thompson at ang “Popoy En Jack” na sina Vic Sotto at Coco Martin ang lead stars. Mula naman ito direksyon ni Rodel Nacianseno at sa joint venture ng CCM Film Production, MZET Prod at Apt Entertainment.
Matatandaang naglaban din last year ang pelikula nina Vice Ganda at Coco Martin. Ngayon ay muli na namang magsasalpukan. Sino kaya ang mas pipilahan? Ang pelikula ni Coco kasama si Bossing Vic o ang pelikula ni Vice na hanggang ngayon ay palaisipan ang makakasamang big star.
Ang pagpili sa apat na pelikula ay based on the following criteria- Artistic Excellence-40%, Commercial Appeal 40%, Filipino Cultural Sensibility-10% at Global Appeal 10%.
Ang apat pa na pipiliing pelikula na kukumpleto sa 8 entries sa darating na MMFF 2018, ay manggagaling sa finished films, na ang deadline ay sa September 21.
Ang submission naman ng scripts para sa short film category ay hanggang sa August 21.